“Ito ang Daan”
1 Ang Isaias 30:21 ay nagsasabi: “At ang iyong mga pakinig ay makakarinig ng salita sa likuran mo na nagsasabi: ‘Ito ang daan. Lakaran ninyo ito.’” Ang “salita sa likuran mo” ay ang tinig ni Jehova na nagsasalita sa pamamagitan ng kaniyang Salita at organisasyon. Sinusunod mo ba ang ”salitang” iyon, at ikaw ba ay tumutulong sa iba na tumugon dito?—Sant. 4:17.
2 Kailangang mapahalagahan ng mga tinuturuan natin na si Jehova ay mayroong isang organisasyon at mapasiglang makipagtulungan dito. (Roma 12:5) Ano ang magagawa natin upang idiin ang ginagampanang bahagi ng organisasyon sa kanilang buhay?
GAMITING MABUTI ANG BROCHURE
3 Ang brochure na Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig ay maaaring maging napakahusay sa pag-akay sa mga estudiyante sa Bibliya tungo sa organisasyon ni Jehova. Tumutulong ito sa mabisang paggamit ng mga Kasulatan, mga larawan, at mga katanungan para sa pagrerepaso. Kapakipakinabang na gumamit ng sampung minuto o higit pa sa katapusan ng bawa’t pag-aaral upang talakayin ang impormasyon mula sa brochure.
4 Dapat pasiglahin ang estudiyante na repasuhin nang patiuna ang bahaging inyong sasaklawin. Marahil ay isa o dalawang katanungan lamang ang inyong tatalakayin. Halimbawa, kapag tinatalakay “Ang Kaniyang Bayan ay Tinitipon at Sinasangkapan ni Jehova para sa Paggawa,” maaari ninyong gamitin ang buong panahon sa ikatlong katanungan sa pahina 11.
5 Gamiting mabuti ang mga larawan sa “Mga Kongregasyon para sa Ikatitibay sa Pag-iibigan at Pagkakaisa,” pasimula sa pahina 12. Bakit hindi gamitin ito upang ipakita ang mga pangunahing pananagutan ng mga matatanda? Pinadadali nito para sa estudiyante na lumapit sa mga matatanda kapag nakakaranas ng mga suliranin.
6 Kapag nirerepaso ang mga pulong, isaalang-alang ang isa lamang bawa’t linggo. Magagawa ito kapag pinag-uusapan ang sagot sa tanong 2 sa artikulong “Mga Pulong para sa Pag-uudyukan sa Pag-iibigan at Mabubuting Gawa.” Ipakita sa estudiyante kung papaano maghahanda para sa Pag-aaral sa Aklat ng Kongregasyon.
GAWIN ITONG PAYAK
7 Gaya ng pagkakasabi ng isang kapatid: “Ang bagay na dapat pagsikapan ay ang pagiging payak. Dalawa lamang teksto, isang maikling pagtalakay hinggil sa pangangailangang dumalo sa mga pulong, at maniniwala ba kayo?—gumagana ito!” Sinabi pa ng isang kapatid: “Sa aking pambukas at pansarang mga panalangin, lagi kong binabanggit ang organisasyon ni Jehova.”
8 Sa pamamagitan ng palagiang paggamit ng brochure na ito, akayin natin ang mga estudiyante sa organisasyon ni Jehova at makisama kay Jehova sa pagsasabing, “Ito ang daan.”