Hanapin Muna ang Kaharian
1 Ang bawa’t makatuwirang tao ay nagnanais magtamasa ng mahabang buhay sa ilalim ng mapayapang kalagayan. Ito ay isang normal na pagnanais, at ang gayon ay tatamuhin lamang kapag ‘hinanap muna ang Kaharian.’ (Mat. 6:33) Gayunman, sa halip na unahin ang Kaharian, ang mga tao sa ngayon ay nagsasagawa ng maraming bagay na sumisira sa pagtatamasa ng kasiyahan sa buhay. Ang pag-aabuso at pagpapakalabis ang waring siyang kalakaran ng panahon. Ang mga panganib mismo sa buhay ay dumarami. Ang nakapipinsalang karahasan at kaguluhan ng mga mamamayan ay lumalaganap sa iba’t ibang bahagi ng lupa na dati’y kilala sa pagkakaroon ng mapayapang paraan ng pamumuhay.
2 Gayunman, nalalaman natin na kapag inuna ng isang tao ang ‘paghanap sa Kaharian,’ ang kaniyang buhay ay maaapektuhan sa ikabubuti. Pahahabain ni Jehova ang kaniyang kaarawan at daragdagan ang mga taon ng kaniyang buhay.—Kaw. 3:1, 2.
NAPAKAHALAGANG TULONG
3 Sa buwan ng Nobyembre, gagawa tayo upang tulungan ang mga tao na hanapin ang Kaharian at itaguyod ang tunguhin sa buhay sa pamamagitan ng pag-aalok ng New World Translation kasama ng pantulong sa Bibliya na aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱70.00. Anong laking pribilehiyo na makatulong sa iba sa ganitong paraan! Nais nating maging handa sa mga litaw na punto na makatatawag ng interes para hanapin muna ang Kaharian ng mga may matuwid na puso. Ano ang maaari nating sabihin?
4 Kapag ang maybahay ay parang relihiyoso, pagkatapos na ipakilala ang inyong sarili ay maaari ninyong sabihin: “Ang mga taong nagnanais na mapabuti ang kanilang paraan ng pamumuhay ay maaaring magpakita nito sa pamamagitan ng pagsunod sa isang partikular na relihiyon. Subali’t ang karamihang gumawa ng gayon ay hindi pa rin maligaya. Ano ang sinabi ni Jesus na susi ng kaligayahan? Pansinin ang sagot na ibinibigay dito sa Mateo 5:3 at Apokalipsis 1:3: [Basahin.] Ang Bibliya mismo ay tutulong sa inyo na tamuhin ang tunay na kaligayahan. Maaari ko bang iwan ang saling ito na madaling maunawaan kasama ng aklat na ito sa ₱70.00?”
5 Kung ang edisyong ito ng New World Translation na inyong iniaalok ay may bahaging “Bible Topics for Discussion” sa likod nito, maaari ninyong imungkahi sa maybahay na gamitin ito upang magkaroon ng maliwanag na kaunawaan sa bawa’t paksang pinag-uusapan sa pamamagitan ng paghanap sa binabanggit na mga kasulatan.
ATING TUNGUHIN
6 Ang ating tunguhin ay ang tulungan ang tapat-pusong mga tao na matuto tungkol kay Jehova at mapasigla silang hanapin muna ang Kaharian. Ito’y magpapatibay sa kanilang pag-asa sa buhay sa ilalim ng matuwid na mga kalagayan. Ang pag-aalok ng makabagong-wikang New World Translation at aklat na Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan taglay ang malinaw, tuwiran, subali’t may nakatatawag-pansing istilo ay tutulong sa atin na abutin ang ating tunguhin. Maging masigla tayo sa pagsasagawa ng ating ministeryo!