Tanong
● Bakit dapat magkaroon ng sariling aklatan?
Ang isang pangunahing dahilan ay sapagka’t ang personal na pag-aaral ay mahalaga sa mga Saksi ni Jehova. (Juan 17:3) Nagiging maalwan ang pagkakaroon ng sariling aklatan sa tahanan upang gumawa ng pagsasaliksik, pagsagot sa mga tanong, at paghahanda para sa mga pagpupulong. Huwag nating maliitin ang kahalagahan ng madaling pagkuha ng maaasahang impormasyon sa Kasulatan.
Ang isa pang dahilan sa pagkakaroon ng aklatan sa tahanan ay may kaugnayan sa katotohanan na ang bawa’t Kristiyano ay kailangang “magpasan ng kaniyang sariling pasan” ng pananagutan. (Gal. 6:5) Kapag may mga katanungang bumabangon, makabubuting magkaroon ng kaugalian na gumawa muna tayo ng sariling pagsasaliksik at magtanong lamang sa iba kung talagang kinakailangan. Mapasusulong natin ang ating kapangyarihang umunawa sa pamamagitan ng pagiging masipag na estudiyante ng Salita ng Diyos at sa mabuting paggamit ng aklatan sa tahanan.—Heb. 5:11-14.
Ang ilang mga anak ay tinulungan ng kanilang mga magulang na magkaroon ng sarili nilang aklatan, taglay sa kaisipan ang kasalukuyan at panghinaharap na mga pangangailangan. Hindi mapag-aalinlangan na ang isang mabuting sariling aklatan ay isang mahalagang bagay sa isang Kristiyanong tahanan.