Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Teritoryong Madalas Nagagawa
1 Gaano kadalas ninyong nagagawa ang inyong teritoryo? Kapag ito ay madalas na nagagawa, lalo na kayong pinagpapala. Bakit? Sapagka’t ang mga kongregasyon na malimit na gumagawa sa kanilang teritoryo ay kadalasang nakakaranas ng mabilis na pagsulong. Halimbawa, sa Metro Manila, na ang karamihan sa teritoryo ay nagagawa nang palagian, mayroon na ngayong mahigit pa sa 130 mga kongregasyon.
2 Sa paglilingkod sa isang teritoryo na nagagawa linggu-linggo, isang kapatid na lalake ang nakasumpong ng isang babae na nagsabi na kailanma’y hindi pa siya nasumpungan noon. May pananabik na siya’y kumuha ng literatura at galak na galak na may nakasumpong sa kaniya. Kaya mayroon pang mga tao sa ganitong teritoryo na hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong makarinig ng mabuting balita. (Ihambing ang 2 Pedro 3:9b.) Ang lubusang pagkubre ay mahalaga upang hanapin ang tulad-tupang mga tao.—Mat. 10:11.
PAGHARAP SA HAMON
3 Kapag ang teritoryo ay madalas nagagawa, mahalaga na mag-ingat ng tumpak na house-to-house record. Ang talaan ng mga wala sa tahanan ay maaaring gamitin upang maging abala ang grupo sa larangan kapag wala ng ibang teritoryo. Bakit hindi gamitin ang gabi sa pagpapatotoo upang hanapin ang mga wala sa tahanan kung araw?
4 Kapag kinukubrehan ninyo ang inyong teritoryo nang ilang ulit na ginagamit ang isang Paksang Mapag-uusapan, makabubuting gawin ninyong iba’t iba ang inyong pambungad. Makakasumpong kayo ng angkop na mga pambungad sa mga pahina 9-15 ng aklat na Nangangatuwiran.
5 Ang isang paraan upang ibahin ang inyong pambungad ay ang mag-alok ng isang tract. Iugnay ninyo ang paksa ng tract sa Paksang Mapag-uusapan. Gayundin, gamitin ang mga kasalukuyang balita, na nagtatanong hinggil dito upang antigin ang kaisipan ng maybahay at maglagay ng saligan para pag-usapan.
PAGPAPATOTOO SA LAHAT
6 Ginagamit ba ninyo ang mga 50 porsiyento ng inyong oras sa paglilingkod sa pagsasagawa ng mga pagdalaw-muli at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya? Kung kayo ay nag-iingat ng hiwalay na rekord ng mga nagpakita ng interes, maaari ninyong mabalikan kaagad ang lahat ng tumanggap ng literatura.
7 Mararating natin ang higit pang maraming mga tao kung tayo ay alisto sa lahat ng pagkakataong makapagbigay ng patotoo. Halimbawa, habang gumagawa sa ating teritoryo, kadalasa’y nakikita natin ang mga tao na umaalis ng bahay o apartment. Kapag angkop, bakit hindi gumawa ng maikling pag-aalok ng magasin o tract?
8 Kahit na nagagawa pa ang teritoryo linggu-linggo, marahil ay may mga tapat-pusong hindi pa nasusumpungan. At bagaman kayo ay nakapagpatotoo na sa gayong pintuan noong una, maaaring may matagpuan kayong ibang tao sa pagkakataong ito. Kaya, tulad ng mga apostol, lubusan tayong magpatotoo sa ating iniatas na teritoryo.—Gawa 8:14, 25; 20:20, 21.