Tanong
● Ano ang dapat ilagay sa patalastasan ng kongregasyon?
Ang patalastasan sa Kingdom Hall ay naglalaan ng impormasyon tungkol sa mga gawain ng kongregasyon. Walang ilalagay doon nang hindi ipinahihintulot ng punong tagapangasiwa.
Ang ilan sa mga bagay na ilalagay doon: Mga eskedyul at mga atas sa Pulong Ukol sa Paglilingkod at Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro, talaan ng mga pahayag pangmadla na naka-eskedyul, tsirman ng Pahayag Pangmadla at mga atas ng tagabasa sa Bantayan, kaayusan at lugar ng mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, patalastas para sa susunod na dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, impormasyon hinggil sa dumarating na asamblea o kombensiyon, at kaayusan sa paglilinis ng Kingdom Hall. Sa pana-panahon ay may tagubilin ang Samahan sa mga matatanda na ilagay ang ilang sulat o iba pang bagay doon.
Bagaman maaaring gumawa ng isang maikling patalastas sa isa sa mga pulong hinggil sa isang itinakdang kasalan na magaganap sa Kingdom Hall, hindi maglalagay ng isang pormal na patalastas hinggil sa kasalan sa patalastasan. Hindi rin wastong maglagay doon ng patalastas hinggil sa mga sosyal na pagtitipon, yamang ang mga ito ay walang kinalaman sa mga gawain ng kongregasyon.
Dapat na ingatang masinop at maayos ang patalastasan. Kailangang sapat ang laki nito upang mailagay ang mga bagay na binalangkas dito. Ang mga eskedyul at mga bagay na natapos na ay dapat na alisin kaagad doon. Kapag higit sa isang kongregasyon ang nagtitipon sa isang bulwagan, ang bawa’t kongregasyon ay dapat na magkaroon ng kanilang sariling patalastasan o bahagi dito. Iminumungkahi namin na ang punong tagapangasiwa, o ang sinumang inatasan niya, ay magsuri sa tuwi-tuwi na upang matiyak na ang mga bagay na nakalagay doon ay napapanahon, angkop at masinop.