Ang Pagkakakilanlan Natin Bilang mga Saksi ni Jehova
Bilang mga ministro, tayo ay kilala ng madla bilang mga Saksi ni Jehova. Ang ating pakikibahagi sa ministeryo ay hindi isinasagawa dahilan sa pamimilit ng sinumang tao o organisasyon kundi alinsunod sa ating bigay-Diyos na atas na mangaral at gumawa ng mga alagad. (Mat. 24:14; 28:19, 20) Kaya, dapat na iwasan ng mga mamamahayag na magsabi na sila’y mga ahente o kinatawan ng Samahang Watch Tower, o ng iba pang korporasyon na ginagamit ng “tapat at maingat na alipin.”
Kung may suliraning bumangon habang gumagawa sa mga apartment o sa mapanganib na teritoryo, ang mga mamamahayag ay maaaring mangailangan ng ilang anyo ng personal na pagkakakilanlan. Kapag hinihilingan nito, ang bautisadong mga mamamahayag ay dapat gumamit ng identification card (S-65) na pirmado ng punong tagapangasiwa, na nagpapakita na ang isa ay nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian kasama ng lokal na kongregasyon na binabanggit sa card.
Maaaring pumidido ang mga kongregasyon ng suplay ng card na S-65 sa Form Order Blank na ipadadala kasama ng inyong statement ng kuwenta sa Abril. Ang mga ito ay maaaring ibigay sa mga bautisadong mamamahayag kung kinakailangan. Kung may mga mamamahayag na gumagamit ng isang personal na card sa kaniyang pangalan, hindi dapat isulat doon na sila’y mga kinatawan ng Samahang Watch Tower.