Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/90 p. 1-2
  • Maging Bihasa sa Inyong Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Bihasa sa Inyong Ministeryo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS
  • IKAPIT ANG MGA MUNGKAHI
  • Tulungan ang Iba na Maging Bihasa sa Paggamit ng Salita ng Diyos
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Pasulungin ang Iyong Ministeryo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Magturo Nang May Kasanayan at Sigasig
    Gumising!—1986
  • Ginagamit Mo Ba Nang Wasto ang Salita ng Diyos?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 7/90 p. 1-2

Maging Bihasa sa Inyong Ministeryo

1 Pinasigla tayo ni apostol Pablo na pasulungin ang ating kakayahan sa ministeryo. Siya’y sumulat: “Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.”—2 Tim. 2:15.

2 Ang kabihasaan sa ministeryo ay kailangang linangin. Kaya, kailangan nating ‘gawin ang buong makakaya’ upang maging mga bihasang ministro. Ano ang tutulong sa atin?

MATUTO MULA SA SALITA NG DIYOS

3 Habang tayo ay nagiging higit na pamilyar sa mga itinuturo ng Bibliya, lalo tayong nagiging mabisa sa “paggamit na matuwid ng salita ng katotohanan.” Kaya mahalaga na tayo’y magtakda ng panahon para sa personal na pag-aaral.—1 Tim. 4:15, 16.

4 Nararapat din nating “pagkatantuin” ang tagubiling natatanggap sa mga pulong ng kongregasyon. (Heb. 2:1) Ang maiinam na mga punto sa ministeryo ay tinatalakay sa mga pahayag pangmadla o sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Ang Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro ay naglalaan sa atin ng mahalagang pagsasanay upang maging mga bihasang guro, at ang Pulong Ukol sa Paglilingkod ay naglalaan ng mga mungkahi at mga pagtatanghal na tutulong sa atin na maging lalong mahuhusay na mga ministro.

IKAPIT ANG MGA MUNGKAHI

5 Sinabi ni Pablo sa kongregasyon sa Filipos na gawin nila ang kanilang natutuhan may kaugnayan sa kaniya. (Fil. 4:9) Kailangan din nating ikapit ang mga bagay na ating natutuhan sa pamamagitan ng organisasyon ni Jehova. Halimbawa, sa Hulyo 15, 1988 ng Bantayan, pahina 15-20, ating natutuhan ang mga pamamaraan upang magkaroon ng “bagong” teritoryo sa mga lugar na malimit magawa. Bukod pa sa pagdiriin sa pangangailangan ng isang bago, nakakaakit na paglapit, pinasisigla tayo ng artikulo na ipabatid natin sa maybahay na tayo’y palagiang dumadalaw. Ibinigay ang payo na kailangang lubusang hanapin ang iba’t ibang indibiduwal na nakatira sa iisang bahay. Sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga mungkahing ito, ating mapasusulong ang ating kakayahan sa ministeryo.

6 Atin bang palagiang ginagamit ang aklat na Nangangatuwiran sa ministeryo? Ang mga mungkahing pambungad at seksiyon sa pagsagot sa mga pagtutol ay magpapatalas sa ating kakayahan. Karagdagan pa, ang pag-eensayo sa Paksang Mapag-uusapan at ang ating presentasyon ng alok ay makatutulong sa ating tagumpay sa ministeryo.

7 Kung nais pa ninyo ng karagdagang mga mungkahi, lumapit sa tagapangasiwa sa paglilingkod o sa inyong konduktor sa pag-aaral ukol sa tulong. Tayong lahat ay makapagpapasulong ng ating mga kakayahan bilang mga ministro, “na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan,” anupa’t ito’y nagdudulot ng karangalan sa ating Diyos na Jehova.—Juan 15:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share