Ipahayag ang Mabuting Balita Taglay Ang Bantayan
1 Ang Bantayan ay tunay na kakaiba dahilan sa pagtataglay nito ng mabuting balita. Sa kabilang panig, ang karamihan sa mga makasanlibutang magasin ay nagtatampok ng masasama at nakasisirang-loob na mga balita. Papaano natin maipakikita sa iba na Ang Bantayan ay kakaiba at nagtataglay ng tunay na kasiyasiyang balita?
2 Maaari nating itawag-pansin “Ang Layunin ng Ang Bantayan” sa pahina 2 ng magasin. Ipakita na ang layunin nito ay ang itanghal si Jehova, itawag-pansin ang mga pangyayari sa daigdig na tumutupad sa hula ng Bibliya, magbigay ng nakakaaliw na balita sa mga naaapi, at magpatibay ng pananampalataya sa mga paglalaan ng Diyos ukol sa ating kaligtasan.
3 Ang atin bang mga komento hinggil sa Ang Bantayan ay naghahatid ng gayong kaisipan sa nakakukumbinsing paraan? Ang ating sinasabi ay hindi lamang dapat magpadingas ng panandaliang interes; ito ay dapat na may sustansiya, lumilikha ng pagtitiwala upang ang kausap ay magnais pang matuto nang higit.
4 Nangangailangan ng Paghahanda: Kailangan nating basahing maingat ang bawat magasin, na pinag-aaralan ang iba’t ibang presentasyon taglay sa isip ang ating teritoryo. Ang paghanap sa binanggit na mga teskto sa Kasulatan ay nagpapalaki sa ating kaunawaan. Ito’y nagpapalalim sa ating pagpapahalaga sa katotohanan at nagpapasigla sa atin na ibahagi iyon sa iba. Kung ang katotohanan ay wala sa ating mga puso, walang tayong gaanong sigla upang magsalita.
5 Salig sa interes na ipinamamalas ng isa mababatid natin kung ano ang ating iaalok. Kung ang pagtugon ay negatibo o pagwawalang-bahala, baka sapat na ang ating sinabi. Kung may nagpahayag ng taimtim na pagpapahalaga at pagnanais na matuto nang higit pa, angkop na mag-alok ng suskripsiyon. Kadalasan, mabuti kung magsimula ang isang bagong suskritor sa anim na buwang suskripsiyon; ito ay maaaring baguhin kapag nagpatuloy ang interes.
6 Hindi natin alam kung gaano katagal at hanggang kailan ipahahayag ang mabuting balita. Gayumpaman, makatitiyak tayo na Ang Bantayan ay gaganap ng isang mahalagang bahagi sa ikatutupad nito. Sa pamamagitan ng paggamit sa paglalaang ito, dapat nating tularan ang mga apostol na naging masikap sa “pagtuturo at paghahayag . . . ng mabuting balita ng salita ni Jehova.”—Gawa 15:35.