Pagsubaybay sa mga Nailagay na Magasin at Brochure
1 Pinasigla ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:19) Ito’y nangangahulugan ng higit pa sa paglalagay lamang ng mga magasin; kailangan tayong dumalaw muli upang magbigay ng karagdagan pang espirituwal na tulong sa mga nagpakita ng interes.
2 Kung ating itinampok ang isang artikulo sa isa sa mga magasin sa ating unang pagdalaw, makabubuting talakayin ang gayunding paksa sa ating pagbabalik:
◼ “Noong ako’y dumalaw kamakailan, ipinakita ko sa inyo ang isang artikulo sa Ang Bantayan (o Gumising!) na nakatulong sa ating mapahalagahan ang pangangailangang bumaling sa Bibliya. Ang layunin ng Diyos ukol sa isang lalong mabuting kinabukasan para sa sangkatauhan ay nakasentro sa kaniyang Kahariang pamahalaan. Ang Mikas 4:3, 4 ay nagsasabi sa atin na ang Kahariang ito ang tatapos sa lahat ng mga digmaan.” Pagkatapos basahin ang kasulatan, iharap ang brochure na “Narito!” at ipakita ang ilustrasyon sa takip. Isaalang-alang ang unang parapo at ang binanggit na mga kasulatan, na tinitiyak na ang Mikas 4:3, 4 ay isa sa mga ito. Isaayos ang isang pagdalaw muli upang ipagpatuloy ang pagtalakay sa parapo 2.
3 Kung ang maybahay ay nagpakita ng kakaunti lamang interes o wala siyang panahong makipag-usap, maaari ninyong idagdag na lamang ang kaniyang pangalan sa inyong ruta ng magasin:
◼ “Yamang kayo’y nagpakita ng interes sa mga magasing iniwan ko sa inyo noon, sa palagay ko’y masisiyahan kayo sa mga pinakabagong isyu. Naniniwala akong masusumpungan ninyong kapanapanabik ang artikulong ito.” Ipakita ang artikulong sa palagay ninyo’y magugustuhan niya. Sabihing kayo’y babalik taglay ang susunod na mga isyu.
4 Kung binasa ng maybahay ang mga magasin at nagpahayag ng pagpapahalaga sa mga ito, maaari kayong mag-alok ng suskripsyon:
◼ “Yamang waring nasisiyahan kayo sa Ang Bantayan, nalulugod akong ihatid ang pinakabagong mga isyu sa paglabas ng mga ito. Kung nais ninyo, maaari kong isaayos na ito’y maipadala sa inyo nang palagian sa pamamagitan ng koreo upang makatiyak na makukuha ninyo ang bawat isyu.”
5 Kung kayo ay nakapaglagay ng brochure subalit hindi nagkaroon ng pagkakataong maitanghal ang kaayusan ng pag-aaral, planuhing gawin iyon sa pagdalaw muli.
Halimbawa, kung kayo ay nakapag-iwan ng brochure na “Pamahalaan,” hilingin sa maybahay na kunin ang kaniyang kopya at sabihin:
◼ “Pansinin dito sa pahina 3 kung ano ang sinasabi nito tungkol sa tema ng mensaheng ipinagaral ni Jesus nang siya’y nasa lupa.” Pagkatapos ay basahin ang unang parapo. Anyayahan siyang basahin ang mga parapo 2 at 3, at itanong sa kaniya kung ano sa palagay niya ang kailangan niyang gawin upang matuto pa nang higit. Pagkatapos ay sabihin: “Nais kong bumalik at talakayin kung bakit kailangan nating tingnan ang pamahalaan ng Diyos bilang ating tanging pag-asa.”
6 Taglay natin ang iba’t ibang brochure. Humanap ng mga kapanapanabik na punto sa isa na nais ninyong gamitin. Ito ay tutulong sa inyo na mapasigla ang mga taimtim na matuto nang higit pa tungkol sa mga bagay na ipinag-utos ni Jesus.—Mat. 28:20.