Tanong
◼ Kailan dapat idaos ang Mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat?
Kadalasang higit na praktikal na magkaroon ng ilang mga grupo ng pag-aaral sa aklat sa iba’t ibang lugar sa teritoryo ng kongregasyon sa halip na ang bawat isa ay magpulong sa Kingdom Hall. Ang mga pag-aaral na ito ay dapat na idaos sa panahon na higit na kombiniyente sa nakararami na inatasang dumalo doon. Kadalasan, ito ay sa gabi ng simpleng araw na walang ibang pulong o paglilingkod na isinaayos. Gayunpaman, maaaring makabubuting magsaayos ng isang pag-aaral sa aklat sa araw upang mapagbigyan ang mga matatanda at mga nagtatrabaho sa gabi. Sa ilang mga kaso, maaaring praktikal na magkaroon ng isang pag-aaral sa araw sa dulong sanlinggo.
Ang mga matatanda ay maaaring magtanong upang matiyak ang mga oras ng pulong na magiging “kombiniyente sa nakararaming mga mamamahayag,” at gayundin sa mga interesado. (om p. 62) Ang oras na pipiliin ay dapat na panahong hindi makahahadlang sa isinaplanong mga kaayusan sa paglilingkod.