Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/94 p. 8
  • Maging Palaisip sa Magasin sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Palaisip sa Magasin sa Oktubre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Kaparehong Materyal
  • Ialok ang mga Magasin sa Bawat Pagkakataon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Sampol na Presentasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 10/94 p. 8

Maging Palaisip sa Magasin sa Oktubre

1 Ang Bantayan at Gumising! ay naglalaman ng nakapagpapatibay na mensahe ng walang hanggang mabuting balita. Ang pagiging palaisip sa magasin ay nangangahulugan ng maingat na pagbabasa sa mga ito at pag-alam kung papaanong ang mga artikulo ay makakaakit sa mga tao sa ating teritoryo.

2 Una, maging pamilyar sa mga artikulong itinatampok sa pabalat. Ang mga ilustrasyon sa pabalat ay kadalasang pumupukaw sa maybahay na tanggapin ang mga magasin. Piliin ang mga artikulong makakaakit sa mga tao sa inyong teritoryo. Ang karamihan ba ng mga tao ay may iisang relihiyon? Ano ang pangunahin nilang ikinababahala? Taglay sa isipan ang mga puntong ito, maaari kayong makapaghanda ng isang mabisang presentasyon. Pansinin ang mga nasa ibaba.

3 Kapag kayo ay nag-aalok ng “Bantayan” ng Oktubre 1, maaari ninyong itampok ang artikulong “Ang Bibliya—Ano Ang Tunay na Halaga Nito?” Maaari ninyong sabihin:

◼ “Maaari kayong makakita ng Bibliya sa maraming tahanan sa ating komunidad. Marami sa kanila ang nakadaramang ito’y naglalaman ng bagay na may pantanging kahalagahan.” Pagkatapos ay maaari ninyong itanong: “Ano sa palagay ninyo ang dahilan kung bakit kakaiba ang Bibliya?” Pagkatapos tumugon ang maybahay, maaari ninyong sabihin: “Nag-uumapaw ang ebidensiya upang patunayan na ang Bibliya’y kinasihan ng Diyos at isang maaasahang giya para sa atin. Ito’y naglalaman ng kaalaman na maaaring umakay sa atin sa buhay na walang hanggan. [Basahin ang Juan 17:3.] Iginagalang ito ng maraming tao subalit hindi nalalaman kung paano gagamitin ito. Ang artikulong ito sa Ang Bantayan ay nagpapaliwanag kung papaano ninyo magagamit nang personal ang Bibliya sa paghanap ng mga kasagutan sa inyong mga katanungan hinggil sa hinaharap.” Ipaliwanag ang kaayusan para sa suskrisyon at ialok ito sa maybahay.

4 Ginagamit ang “Bantayan” ng Oktubre 15, maaaring naisin ninyong gamitin ang isang payak na paglapit gaya nito:

◼ “Halos bawat isa ay namatayan ng minamahal sa buhay. Ang artikulong ito ay nagbabangon ng katanungan: ‘Ano Ang Kalagayan ng mga Patay?’ Ano sa palagay ninyo ang nangyayari pagkamatay ng isang tao? [Hayaang sumagot.] Kung nais ninyong malaman ang kasagutan ng Bibliya sa katanungang ito, nalulugod akong iwan sa inyo ang kopya ng magasing ito. Gayundin, maaaring matanggap ninyo nang regular ang magasing ito sa pamamagitan ng suskrisyon.”

5 Sinusuri ng Oktubre 22 ng “Gumising!” ang isa sa maraming ebidensiya na nagpapakita sa kabiguan ng huwad na relihiyon. Ginagamit ang artikulong “Kapag ang Relihiyon ay Pumapanig sa Digmaan,” maaari ninyong itanong:

◼ “Kung si Jesus ay naririto ngayon, ano kaya sa palagay ninyo ang madarama niya hinggil sa mga karahasang nagaganap sa palibot natin? [Hayaang sumagot.] Tinuruan tayo ni Jesus na ibigin ang bawat isa, maging ang ating mga kaaway. Subalit, maraming relihiyong nag-aangking Kristiyano ang may pinapanigan sa mga labanang pulitika. Ano sa palagay ninyo ang epekto nito sa mga taong nagnanais na mamuhay ayon sa itinuro ni Jesus? [Hayaang sumagot.] Ang isyung ito ng Gumising! ay tumatalakay sa nakababahalang katanungang ito at nagpapaliwanag kung papaanong ang Kaharian ng Diyos ay maglalaan ng kasagutan.”

6 Pagsikapang mag-alok ng mga magasin sa bawat pintuan, kahit na hindi ninyo natalakay ang Bibliya. Oo, maging palaisip sa magasin sa Oktubre!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share