Ialok ang mga Magasin sa Bawat Pagkakataon
1 Taglay natin ang mabubuting dahilan upang pahalagahan Ang Bantayan at Gumising! Sa buwang ito ang mga magasin ay itatampok sa ating gawaing pangangaral, at kay inam ng impormasyong taglay ng mga isyu sa Oktubre! Kaya, nanaisin nating maging handa na ialok ang mga ito sa bawat angkop na pagkakataon.
2 Kapag nag-aalok ng Oktubre 1 ng “Bantayan,” maaaring maantig ninyo ang interes sa artikulong “Isang Sanlibutan na Walang Digmaan—Kailan?” sa pagsasabing:
◼ “Maraming tao ang nag-iisip kung bakit ang isang sanlibutan na walang digmaan ay waring hindi matatamo. Ano ang masasabi ninyo sa pananalitang ito na nasa pahina 5 ng Oktubre 1 ng Bantayan? [Basahin ang unang pangungusap sa bawat isa sa unang dalawang parapo sa ilalim ng sub-titulong “Relihiyon—Isang Malaking Hadlang,” at hayaang sumagot.] Sabihin pa, hindi ito nangangahulugan na lagi na lamang magkakaroon ng digmaan. Pansinin ang pangako ng Diyos dito sa Isaias 9:6, 7.” Ialok ang mga magasin.
3 Kapag naghaharap ng Oktubre 22 ng “Gumising!” maaari ninyong sabihin:
◼ “Ano ang masasabi ninyo sa katanungang nasa pabalat ng magasing ito: ‘Bakit Napakaikli ng Buhay?’ [Hayaang sumagot.] Ang seryeng ito ng mga artikulo ay tumatawag-pansin sa sinasabi ng makabagong mga siyentipiko at ng iba pa hinggil sa pagtanda, at pagkatapos ay ipinakikita nito kung ano ang pangako ng ating Maylikha hinggil sa pag-asa ukol sa buhay na walang-hanggan.” Ialok ang mga magasin.
4 Kapag kayo ay nakasumpong ng mga taong relihiyoso, bakit hindi itampok ang isang artikulo mula sa Oktubre 15 ng “Bantayan”? Ang presentasyong ito ay maaaring lumikha ng kanaisnais na tugon:
◼ “Nais kong kunin ang inyong opinyon sa katanungang ito: Posible bang ibigin ang Diyos at katakutan pa rin siya?” Hayaang sumagot, at pagkatapos ay basahin ang kapsiyong teksto ng artikulong “Bakit Dapat Matakot sa Tunay na Diyos Ngayon?” (Ecl. 12:13) Ialok ang magasin.
5 Kapag gumagawa sa bahay-bahay, huwag kaliligtaan ang maliliit na tindahan. Yaong mga palagiang dumadalaw sa mga tindahan ay nagsasabing ang gawaing ito ay kasiya-siya at mabunga. Maaari ninyong subukan ang isang simpleng presentasyong gaya nito kapag nag-aalok ng Oktubre 8 ng “Gumising!”:
◼ “Nalalaman namin na gusto ng mga negosyante na sila’y makasubaybay sa mga isyu na apektado ang kanilang komunidad. Natitiyak kong ang artikulong ito ay magugustuhan ninyo.” Pagkatapos ay ipakita sa maikli ang isang punto mula sa artikulong “Mga Pamilyang May Nagsosolong Magulang—Gaano Sila Katagumpay?”
6 Kung ang tao na nilapitan ninyo ay talagang abala, maaari ninyong ipakita ang magasin at sabihin:
◼ “Batid kong hindi ninyo inaasahan ang bisita ngayon, kaya sandali lamang ako. Nais kong bigyan kayo ng pagkakataong basahin ang isang mahalagang bagay.” Ipakita ang pinili ninyong artikulo, at ialok ang mga magasin.
7 Ingatang mabuti ang house-to-house record, at balikan ang lahat ng mga napaglagyan ng babasahin. Kapag nakasumpong ng tunay na interes sa pagdalaw-muli, mag-alok ng suskrisyon sa isa o dalawang magasin. Maging handa tayo at alistong mag-alok ng ating mga magasin sa bawat angkop na pagkakataon.