Gawin ang Inyong Teritoryo Nang Lubusan
1 Sa mga pook na residensiyal manaka-naka tayong nakasusumpong ng lugar na may maliliit na negosyo, gaya ng groseri, restawran, o tindahan na nagtitingi. Kung ang ganitong mga negosyo ay kasama sa kinukubrehan ninyong teritoryo, dapat ninyong dalawin ito katulad ng mga nasa residensiyal.
2 Maaari kayong gumamit ng maikling presentasyon, marahil ay sa pagsasabing: “Mayroon akong nais na ipakita sa inyo.” Kung ang may-ari ay waring abala sa pagkakataong iyon, maaaring mag-alok na lamang kayo ng tract at magsabing: “Ako’y babalik muli kapag hindi na kayo masyadong abala. Nais kong alamin kung ano ang palagay ninyo sa tract na ito.”
3 Hindi kailangang matakot sa paggawa nito. Ang isang mamamahayag ay nag-ulat: “Inakala kong magiging negatibo ang pagtugon. Gayunpaman, sa pagkamangha ko, ang pagtugon sa mensahe ng Kaharian ay mismong kabaligtaran. Sila’y tunay na magalang at palakaibigan at halos laging tumatanggap ng mga magasin.”
4 Ang isang babaing nagtatrabaho sa isang kompanya ng real-estate ay nag-anyaya sa mga Saksi sa kaniyang opisina. Siya’y kumuha ng mga magasin at nagpahayag ng interes sa pagkakaroon ng isang pag-aaral sa Bibliya. Ipinakita sa kaniya ang aklat na Kaalaman, napasimulan karaka-raka ang isang pag-aaral, doon mismo sa kaniyang opisina!
5 Ang atas na gawin ang inyong teritoryo nang lubusan ay naglalakip sa pagdalaw sa mga negosyo sa inyong kapaligiran. (Gawa 10:42) Magplanong dumalaw sa mga pintuang ito gaya rin sa pribadong mga tahanan. Hindi lamang makukubrehan ang inyong teritoryo nang lubusan kundi kayo’y magagantimpalaan ng kasiya-siyang mga karanasan!