Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
Ang tema ng dalawang-araw na programa ng pansirkitong asamblea pasimula sa Pebrero, 1998 ay “Iniingatang Malapit sa Isipan ang Araw ni Jehova.” (2 Ped. 3:12) Ito’y dinisenyo upang antigin sa atin ang diwa ng pagkaapurahan. Malapit nang maranasan ng mga naninirahan sa lupa ang mga kahatulan ni Jehova. Sino ang makaliligtas sa “dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat”? Yaon lamang nananatiling gising sa espirituwal at may landasin ng buhay ukol sa “banal na paggawi at mga gawa ng maka-Diyos na debosyon.”—Apoc. 16:14; 2 Ped. 3:11.
Ang bautismo ay mahalaga upang ang isang tao ay makaligtas sa araw ni Jehova. (1 Ped. 3:21) Ang mga mamamahayag na nagnanais na magpabautismo sa asamblea ay dapat na magsabi sa punong tagapangasiwa, na siyang gagawa ng kinakailangang mga kaayusan.
Isang apat-na-bahaging symposium, “Ang Uri ng Pagkatao na Nararapat sa Atin,” ay maliwanag na magpapakita kung anong mga pagkilos ang nasasangkot sa pag-iingat sa isipan ng pagkanaririto ng araw ni Jehova. Ang pahayag pangmadla na, “May Katalinuhang Kumilos Habang Lumalapit ang Araw ni Jehova,” ay magpapaliwanag sa kahulugan ng ‘hanapin si Jehova, ang katuwiran, at kaamuan,’ upang makaligtas.—Zef. 2:3.
Ang pansirkitong asamblea ay magtatapos sa pamamagitan ng dalawang nakapagpapakilos na pahayag ng mga naglalakbay na tagapangasiwa na pinamagatang: “Ang Inyo Bang Buhay ay Nakasentro sa Katotohanan?” at “Patiunang Pagpaplano Taglay sa Isipan ang Araw ni Jehova.” Ang mga pahayag na ito ay magpapakilos sa atin na suriin ang ating buhay at gumawa ng kinakailangang mga pagbabago. Ang hula sa Bibliya at ang mga pangyayari sa daigdig ay malinaw na nagpapakita na malapit na ang araw ni Jehova. Ang programang ito ng asamblea ay magpapakilos sa atin na ‘panatilihin ang ating katinuan at maging mapagbantay.’ (1 Ped. 5:8) Gumawa ng tiyak na mga plano upang madaluhan ang dalawang araw na ito.