Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/99 p. 3-4
  • Pagpapayunir—Matalinong Paggamit ng Ating Panahon!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapayunir—Matalinong Paggamit ng Ating Panahon!
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Kailangan—20,000 Auxiliary Pioneer
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Paglilingkurang Payunir—Ito ba’y Para sa Inyo?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Auxiliary na Pagpapayunir—Nasubukan na ba Ninyo Ito?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 4/99 p. 3-4

Pagpapayunir—Matalinong Paggamit ng Ating Panahon!

1 ‘Kayrami kong gawain! Talaga bang katalinuhan para sa akin na magpayunir sa panahong ito?’ Ito ang nasa isip ng isang kapatid na babae habang siya’y nakikinig sa isang payunir na matanda sa isang pansirkitong asamblea na naghaharap ng bahagi na pinamagatang “Patuloy na Itaguyod ang Ministeryo ng Pagpapayunir.” Isang kabataang lalaki na nakikinig din ang nag-iisip, ‘Paano niya nabibigyang-daan ang pagpapayunir? Hindi ako isang matanda, subalit punô na ng gawain ang aking buhay!’

2 Habang nagpapatuloy ang matanda sa pagtalakay sa mga pagpapala ng pagpapayunir, kinapanayam niya ang ilang payunir mula sa sirkito na naglahad ng mga pagbabago na kailangan nilang gawin upang makapagpayunir at kung paano mayamang pinagpala ni Jehova ang kanilang mga pagsisikap. Ang isa ay baldado, ang isa ay may asawang di-kapananampalataya, at ang isa ay tumigil na sa makasanlibutang karera subalit hindi naman kinakapos sa kaniyang pangunahing pangangailangan. Sa pagkarinig kung paanong ang mga payunir na ito ay nagtatagumpay sa tulong ni Jehova, ang nakikinig na kapatid na lalaki at babae ay nagpasimulang magsuring muli sa laman ng kanilang pag-iisip at mga kalagayan. Inaanyayahan ka namin na gayon din ang gawin, lalo na’t ang binawasang kahilingan sa oras para sa mga payunir ay kaya nang abutin ng mas maraming mamamahayag ng mabuting balita.

3 Alam natin na si Jehova ang Maylalang at Pansansinukob na Soberano at na utang natin ang ating buhay sa kaniya. (Dan. 4:17; Gawa 17:28) Maliwanag sa atin na si Jehova ay gumagamit ng iisa lamang organisasyon. Tayo ay may pribilehiyo na tapat na maglingkod kasama nito, na sinusuportahan “ang tapat at maingat na alipin” sa pagbibigay ng patotoo sa Kaharian bago dumating ang wakas. (Mat. 24:45; 25:40; 1 Ped. 2:9) Dahilan sa tayo’y nasa pagtatapos na sa “mga huling araw,” nalalaman natin na nauubos na ang panahon para sa pangangaral. (2 Tim. 3:1) Samantala, kailangan nating suportahan ang ating mga pamilya sa materyal. (1 Tim. 5:8) Ang kinikita ng isang tao ay waring hindi na nakasasapat di-tulad noon. Marahil ang ating kalusugan ay hindi na gaya ng dati. At sa totoo lamang, nais nating magkaroon ng kaunting panahon at kaunting panggastos para sa ating sarili. (Ecles. 3:12, 13) Kaya maaari tayong mag-isip kung ang pagtugon sa paanyayang magpayunir ay talagang katalinuhan nga.

4 Pananagutan ng bawat isa sa atin na maingat na suriin ang ating sariling mga kalagayan at magpasiya kung tayo ay makapagpapayunir. (Roma 14:12; Gal. 6:5) Nakapagpapatibay na malamang dumarami ang bilang ng mga tumutugon sa panawagang magpayunir. Sa kabila ng mga panggigipit at mga suliranin ng mga huling araw na ito, ang ulat sa paglilingkod na inilathala sa 1999 Yearbook ay nagpapakita na halos 700,000 sa bayan ni Jehova sa buong daigdig ang masikap na nagpapatuloy sa ministeryo ng pagpapayunir. Naglilingkod man sa ilalim ng mahihirap na kalagayang pang-ekonomiya, kakulangan ng transportasyon, nakararanas ng mga suliranin sa kalusugan, o napapaharap sa iba pang mga sagwil at mga kahirapan, ang mga kapatid na ito ay hindi nanghihimagod sa paggawa ng kung ano ang mainam, at ito ay kapuri-puri. (Gal. 6:9) Kanilang tinanggap ang alok ni Jehova na subukin siya. (Mal. 3:10) Nadarama nilang ang pagpapayunir ay isang napakatalinong paggamit ng kanilang limitadong panahon at mga tinataglay at na tunay na pinagpala sila ni Jehova sa paggawa ng kinakailangang mga pagbabago upang makapasok at makapanatili sa gawaing pagpapayunir.

5 Ang mga Payunir ay Pinagpapala: Isang kapatid na babae sa Cameroon na may musmos pang anak na babae ang nagpaliwanag: “Mula sa kaniyang pagsilang ay lagi ko nang kasama ang aking anak sa ministeryo. Kahit na bago pa siya matutong lumakad, kinakarga ko na siya sa aking likod sa tulong ng isang matibay na tela. Isang umaga samantalang nasa ministeryo, ako ay tumigil sa isang puwesto ng tindahan sa tabi ng daan. Umalis sa tabi ko ang aking anak, taglay ang ilang magasin mula sa aking bag. Siya’y humakbang-hakbang sa kalapit na puwesto. Bagaman hindi siya gaanong makapagsalita, nakuha niya ang pansin ng isang babae at nagharap sa kaniya ng magasin. Ang babae ay manghang-mangha na makita ang gayong kamusmos na bata na nakikibahagi sa gawaing ito. Karaka-raka niyang tinanggap ang magasin at isang pag-aaral sa Bibliya!”

6 Bilang tugon sa panawagan para sa higit pang auxiliary pioneer, isang matanda at ulo ng pamilya sa Zambia na may buong-panahong sekular na trabaho ang nagpasiyang mag-auxiliary pioneer sa kabila ng kaniyang mahigpit na iskedyul. Nais niyang magbigay ng halimbawa sa kongregasyon at sa kaniyang pamilya. May ilang ulit, ipinaparada niya ang kaniyang kotse sa tabi ng daan at nagpapatugtog sa audiocassette ng Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, at kaniyang inanyayahan ang mga dumaraan na lumapit at makinig sa kung ano ang binabasa nang malakas. Sa ganitong paraan ay nakapagpasakamay siya ng 16 na aklat na Kaligayahan sa Pamilya at 13 aklat na Kaalaman, at siya’y nakapagpasimula ng dalawang pag-aaral sa Bibliya.

7 Isang mainam na espiritu ng pagpapayunir ang napansin din sa kalapit na bansa ng Zimbabwe. Noong Abril 1998, isang kongregasyong may 117 mamamahayag ang nag-ulat ng 70 auxiliary at 9 na regular pioneer. Isa pang kongregasyon na may 94 na mamamahayag ang nag-ulat ng 58 auxiliary pioneer. At may isa pa, na may 126 na mamamahayag, ang nag-ulat na 58 ang nagpasiyang mag-auxiliary pioneer kasama ng 4 na regular pioneer. Totoong namumukod-tangi ang nakaraang taon ng paglilingkod sa Zimbabwe. Bagaman ang mga kapatid doon ay masyadong abala sa mga bagay sa pamilya, mga gawain sa kongregasyon, at konstruksiyon sa sangay, nagtuon sila ng pansin sa matalinong paggamit ng kanilang panahon sa ministeryo.

8 Kinikilala ng mga payunir na ang pagpasok sa gawaing pagpapayunir at pananatili rito ay hindi nakasalalay sa kanilang sariling lakas. Sila ang unang nagsasabi na anuman ang kanilang nagagawa, ito ay naisasakatuparan dahilan sa sila’y “umaasa sa lakas na inilalaan ng Diyos.” (1 Ped. 4:11) Ang kanilang pananampalataya ang nagpangyari sa kanila na maipagpatuloy ang kanilang ministeryo sa araw-araw. Sa halip na hanapin ang kanilang sariling kaalwanan at kaginhawahan, kinikilala ng matatagumpay na payunir na ang patuloy na pagtataguyod ay maaaring mangahulugan ng “labis na pakikipagpunyagi,” subalit sila’y tumatanggap ng maraming pagpapala bilang bunga nito.—1 Tes. 2:2.

9 Karapat-dapat Tularan ang Halimbawa ni Pablo: Iniulat ng Bibliya ang mga naisagawa ni apostol Pablo sa ministeryo at ang mainam na tulong na naibigay niya sa napakaraming tao. Subalit, kung mayroon mang labis na nabigatan, si Pablo ay gayon. Siya’y nagbata ng pag-uusig at pisikal na mga kahirapan upang maipangaral ang mabuting balita at mapalakas ang mga kongregasyon. Kinailangang pagtiisan din niya ang isang malubhang suliranin sa kalusugan. (2 Cor. 11:21-29; 12:7-10) Siya’y determinadong gamitin ang kaniyang panahon nang may katalinuhan. Kinilala niya na naisakatuparan niya ang lahat ng kaniyang gawain dahilan sa tulong ni Jehova. (Fil. 4:13) Wala sa mga natulungan ni Pablo ang makapagsasabi na ang kaniyang panahon at pagsisikap sa paglilingkod kay Jehova ay nasayang o sana’y nagamit pa nang mas mabuti. Aba, tayo ay nakikinabang pa rin ngayon mula sa matalinong paggamit ni Pablo ng kaniyang panahon! Kay laki ng ating pagpapahalaga sa kaniyang kinasihang payo upang matulungan tayo sa pagsusuri sa ating mga priyoridad at manatili sa katotohanan sa mahihirap na panahong ito!

10 Ngayon higit kailanman, ‘ang panahong natitira upang maipangaral ang mabuting balita ay pinaikli.’ (1 Cor. 7:29; Mat. 24:14) Kaya, angkop na itanong sa ating sarili, ‘Kung ang aking buhay ay magwakas bukas nang di-inaasahan, maaari ko bang sabihin kay Jehova ngayon na nagamit ko nang may katalinuhan ang aking panahon?’ (Sant. 4:14) Bakit hindi makipag-usap kay Jehova sa panalangin ngayon, na tinitiyak sa kaniya ang inyong pagnanais na gamitin ang inyong panahon nang may katalinuhan bilang isa sa kaniyang mga Saksi? (Awit 90:12) Manalangin para sa tulong ni Jehova na gawing simple ang inyong buhay. Bagaman kayo’y nagpasiya na noon, ngayon ba’y maaari nang iangkop ang pagpapayunir sa inyong buhay?

11 Samantalahing Mabuti ang Inyong Kalagayan: Mauunawaan naman, dahilan sa mga kalagayan hindi lahat ng nagnanais ay makapag-iiskedyul ng 70 oras isang buwan upang maglingkod bilang mga regular pioneer. Gayunman, maraming mamamahayag ang nagsaayos na ilaan ang 50 oras sa isang buwan sa ministeryo bilang mga auxiliary pioneer nang madalas hangga’t maaari o nang patuluyan. Kung ang inyong kalagayan ay hindi nagpapahintulot sa inyo sa kasalukuyan upang mag-auxiliary o mag-regular pioneer, huwag masisiraan ng loob. Patuloy na manalangin na magbago sana ang inyong mga kalagayan. Samantala, kung hindi posible na gumawa ng pagbabago, maaliw sa pagkaalam na si Jehova ay lubhang nalulugod sa anumang magagawa ninyo nang buong-kaluluwa sa paglilingkuran sa kaniya. (Mat. 13:23) Nalalaman niya na kayo ay naninindigang matatag sa kaniyang panig at na kayo ay nagsisikap na mabuti na maging isang tapat na mamamahayag na hindi kailanman nagpapahintulot na lumipas ang isang buwan nang hindi sinasamantala ang mga pagkakataon upang makapagpatotoo. Marahil kayo ay susulong sa pamamagitan ng pagpapatalas sa inyong kakayahan sa pagpapatotoo, na nagsisikap na maging isang mahusay na mangangaral at guro ng mabuting balita.—1 Tim. 4:16.

12 Yamang napakalapit na “ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova,” kailangan nating gamitin nang may katalinuhan ang nalalabing panahon upang matapos natin ang gawaing iniatas sa atin. (Joel 2:31) Nalalaman ni Satanas na maikli na lamang ang kaniyang panahon, at na higit kailanman, ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya upang gawing masalimuot ang ating buhay at gawing mahirap para sa atin na magpako ng pansin sa tunay na mahahalagang bagay. (Fil. 1:10; Apoc. 12:12) Huwag kailanman mamaliitin ang interes ng Diyos sa inyo. Si Jehova ay makatutulong sa inyo na gawing simple ang inyong buhay at lubusang magamit ang inyong abilidad sa ministeryo. (Awit 145:16) Nakagagalak, marami ang nakasusumpong, pagkatapos na muling suriin ang kanilang kalagayan, na sila’y maaaring sumama sa ranggo ng mga auxiliary o mga regular pioneer. Tunay, makasusumpong ang mga payunir ng lubos na kasiyahan sa paggamit ng kanilang panahon nang may katalinuhan. Kayo ba’y magiging isa sa kanila?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share