Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/00 p. 1
  • “Maging Mapagbigay, Handang Mamahagi”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Maging Mapagbigay, Handang Mamahagi”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • “Maging Mayaman sa Maiinam na Gawa”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Gumawa ng Mabuti at Magbahagi sa Iba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
  • Paggawang Kasama ng Diyos—Dahilan Para Magsaya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Nagpapasalamat sa Kung ano ang Taglay Natin
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 6/00 p. 1

“Maging Mapagbigay, Handang Mamahagi”

1 Ilang siglo na ang nakalilipas nang tagubilinan ni apostol Pablo si Timoteo na patibayin ang mga kapananampalataya upang “gumawa ukol sa mabuti, na maging mayaman sa maiinam na gawa, na maging mapagbigay, handang mamahagi.” (1 Tim. 6:18) Ipinagunita rin ni Pablo sa mga Hebreong Kristiyano na huwag kalilimutan “ang paggawa ng mabuti at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba.” (Heb. 13:16) Bakit niya isinulat ang mga tagubiling ito? Sapagkat nalalaman niya na may “kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan para sa bawat isa na gumagawa ng mabuti.”—Roma 2:10.

2 Dahilan sa kaniyang pagiging Maylalang, ang Diyos na Jehova ang siyang May-ari ng lahat ng mga bagay. (Apoc. 4:11) Tunay na pinahahalagahan natin ang kaniyang ginagawa alang-alang sa ating kapakanan sa pamamagitan ng kaniyang mga tinataglay. Sa kabila ng walang pasasalamat na saloobin ng marami sa sangkatauhan, ang Kataas-taasan ay patuloy na nagpapahintulot sa lahat na makinabang sa kaniyang saganang mga paglalaan ukol sa ikapananatili ng buhay. (Mat. 5:45) Ibinigay pa nga niya ang kaniyang pinakamamahal na Anak bilang isang hain upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi ba dapat na ang pag-ibig na ipinamalas sa atin ay magtulak sa atin na patunayang tayo’y mapagpasalamat sa pamamagitan ng pagiging mapagbigay sa kapuwa tao?—2 Cor. 5:14, 15.

3 Ano ang Maaari Nating Ibahagi? Wasto lamang na gamitin natin ang anumang bagay na tinataglay natin sa paraang kalugud-lugod sa paningin ng Diyos. Tiyak na nanaisin nating suportahan ang pambuong daigdig na gawaing pang-Kaharian sa materyal at espirituwal na paraan. Sabihin pa, ang mabuting balita ang pinakamahalagang kayamanan na maaaring taglayin ng sinuman, sapagkat ito “ang kapangyarihan ng Diyos ukol sa pagliligtas.” (Roma 1:16) Sa pamamagitan ng malayang paggamit natin ng ating panahon at mga tinataglay sa bawat buwan upang makibahagi sa gawaing pangangaral at pagtuturo, maibabahagi natin ang espirituwal na kayamanang ito sa iba, na aakay sa pagtatamo nila ng buhay na walang hanggan.

4 Si Jehova ay totoong nalulugod kapag ating tinutulungan yaong mga kapos sa mga pangangailangan. Siya’y nangangako ng mga pagpapala, at ipinaaalaala rin niya sa atin: “Ang mahahalagang pag-aari ay hindi mapakikinabangan sa araw ng poot, ngunit katuwiran ang magliligtas mula sa kamatayan.” (Kaw. 11:4; 19:17) Ang pagsuporta sa gawaing pang-Kaharian sa materyal na paraan at pagkakaroon ng lubos na bahagi sa pangangaral ng mabuting balita ay mga kamangha-manghang paraan upang ipakita natin na tayo’y talagang mapagbigay, handang mamahagi.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share