Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/00 p. 1
  • Ikaw Ba ay Nagbabata?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ikaw Ba ay Nagbabata?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Patuloy Ka Bang Lalakad sa Katotohanan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • “Isipin Ninyong Mabuti ang Isa na Nagtiis”
    Halika Maging Tagasunod Kita
  • Pagtitiis—Kailangan ng mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • “Hayaang Ganapin ng Pagbabata ang Gawa Nito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 8/00 p. 1

Ikaw Ba ay Nagbabata?

1 “Wala na akong mas dakila pang dahilan sa pagpapasalamat kaysa sa mga bagay na ito, . . . na ang aking mga anak ay patuloy na lumalakad sa katotohanan.” (3 Juan 4) Ang pagbabata ng mga espirituwal na anak ni Juan ay nagdulot sa kaniya ng malaking kagalakan. Tiyak na malaking kagalakan para sa ating makalangit na Ama na makita ang milyun-milyon sa kaniyang magiging mga anak na “lumalakad sa katotohanan”!—Kaw. 23:15, 16; 27:11.

2 Bagaman ang bayan ng Diyos sa kabuuan ay nagpupunyagi sa masigasig na gawaing Kristiyano, ang ilan ay unti-unting bumabagal. Bagaman ang mga ito ay maaaring naging masigla noong kanilang unang matutuhan ang katotohanan, sa paglipas ng mga taon, sila ay nagkasiya na lamang sa pagkakaroon ng maliit o manaka-nakang bahagi sa paggawa ng mga alagad.

3 Mauunawaan naman na ang ilan ay maaaring bumagal dahilan sa pisikal na mga limitasyon at mga epekto ng pagtanda. Gayunman, sila’y dapat papurihan dahil sa kanilang pagbabata. Ginagawa nila ang kanilang makakaya. Subalit bawat isa na nag-alay ng kaniyang buhay sa Diyos ay dapat magtanong sa kaniyang sarili: ‘Hinahayaan ko ba ang aking sarili na masyadong magtuon ng pansin sa personal na mga tunguhin anupat ang mga kapakanan ng Kaharian ay may maliit na dako na lamang sa aking buhay? Ako ba ay naging tila “malahininga,” o patuloy pa rin akong nagsisikap nang “buong-lakas”?’ (Apoc. 3:15, 16; Luc. 13:24) Pag-isipan nawa nating lahat nang may pananalangin kung ano ang ating ginagawa at gumawa ng kinakailangang pagsulong, taglay sa isipan na si Jehova ay nangangako na maglalaan ng “kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan para sa bawat isa na gumagawa ng mabuti.”—Roma 2:10.

4 Kung Paano Magbabata: Ano ang nakatulong kay Jesus upang makapagbata? Si Pablo ay nagpaliwanag: “Dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagbata siya ng pahirapang tulos, na hinahamak ang kahihiyan, at umupo sa kanang kamay ng trono ng Diyos.” (Heb. 12:1-3) Ang kagalakang inilagay sa harapan ni Jesus ay makapupong higit kaysa sa pansamantalang mga pagsubok na kailangan niyang harapin. Ang pag-iingat sa isipan ng kagalakang nasa harapan natin ay makatutulong sa atin upang makapagbata rin. (Apoc. 21:4, 7; 22:12) Kung tayo’y aasa kay Jehova na pagkalooban tayo ng lakas sa pamamagitan ng personal na pag-aaral, regular na pagdalo sa mga pulong, at matiyagang pananalangin, makapagpapatuloy tayo sa gawaing iniatas niya sa atin.

5 Si Jehova ay nagagalak sa pagbabata ng mga tapat sa kaniya. Kaya palakihin natin ang kaniyang kagalakan sa pamamagitan ng patuloy na ‘paglakad sa katotohanan.’

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share