Iskedyul ng Pulong sa Paglilingkod
Linggo ng Agosto 14
12 min: Lokal na mga patalastas. Piniling Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Dadalawa na lamang ang dulong sanlinggong natitira sa Agosto, kaya pasiglahin ang lahat na makibahagi sa ministeryo bago matapos ang buwan. Repasuhin ang iskedyul ng mga pagtitipon para sa dulong sanlinggo bago maglingkod sa larangan.
15 min: “Ipakipaglaban ang Mainam na Pakikipaglaban ng Pananampalataya.” Limitahan ang pambungad na mga komento nang wala pang isang minuto, at sundan ng isang tanong-sagot na pagtalakay. Kumuha ng karagdagang mga komento mula sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 44-5, kung paano inoorganisa ng mga konduktor sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ang gawaing paglilingkod sa larangan sa kanilang mga grupo at bigyang-pansin ang sinumang nangangailangan ng personal na tulong upang makabahagi at makapag-ulat ng kanilang ministeryo nang palagian.
18 min: Kung Paano Ka Makikinabang sa Pagpasok sa Paaralan. Ang isang ama ay nakikipag-usap sa kaniyang mga anak upang tulungan sila na mapahalagahan kung bakit ang sekular na edukasyon ay kapaki-pakinabang. (Tingnan ang aklat na Tanong ng mga Kabataan, pahina 133-9.) Nadarama ng maraming kabataan na sa magulong lipunan sa ngayon ang pagpasok sa paaralan ay isang tunay na hamon. Nadarama rin nila ang pagkabagot, anupat para sa kanila ang kanilang natututuhan ay kakaunti lamang ang praktikal na kahalagahan. Nirepaso ng ama ang mga simulain ng Kasulatan at ang mabubuting dahilan kung bakit katalinuhan na kumuha ng sapat na sekular na edukasyon. Pinasigla niya ang kaniyang mga anak na mag-aral na mabuti at makinig nang husto sa klase.
Awit 127 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 21
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Magkaroon ng isang inihandang mabuting pagtatanghal na nagpapakita kung paano sasagutin ang katanungang: “Bakit pahihintulutan ng isang Diyos ng pag-ibig ang pagdurusa na magpatuloy sa napakatagal na panahon?”—Tingnan ang aklat na Nangangatuwiran, p. 286-7; p. 395-6 sa Ingles.
10 min: Pahayag ng isang matanda sa mga punto sa “Tanong.” Himukin ang lahat ng nagsasama ng mga taong interesado para mag-tour sa Bethel na ipaliwanag ang tungkol sa wastong pananamit at pag-aayos na kinakailangan at na sila rin ay dapat magbigay ng mabuting halimbawa.
25 min: “Ikaw ba ay Nakikinabang?” Tanong-sagot.
Awit 152 at pansarang panalangin.
Linggo ng Agosto 28
10 min: Lokal na mga patalastas. Ipaalaala sa lahat na ibigay ang kanilang mga ulat ng paglilingkod para sa Agosto. Dapat na makipag-ugnayan ang mga konduktor ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa bawat isa sa kanilang grupo upang ang lahat ng ulat ay makuwenta hanggang sa Setyembre 6.
15 min: Lokal na mga pangangailangan.
20 min: “Ang mga Pulong ay Nagdudulot ng Kapakinabangan sa mga Kabataan.” Tanong-sagot na pagtalakay na pangangasiwaan ng isang matanda. Kapag tinatalakay ang parapo 8, isaalang-alang ang ilang praktikal na bagay para sa higit na pagbubuhos ng pansin at pagbibigay ng atensiyon sa mga pulong. (Tingnan ang Setyembre 22, 1998, Gumising!, pahina 19-20.) Himukin ang mga magulang na maging matatag sa palagiang pagpapadalo sa kanilang mga anak sa lahat ng mga pulong.—Tingnan ang karanasan sa Setyembre 1, 1997, Bantayan, pahina 25.
Awit 176 at pansarang panalangin.
Linggo ng Setyembre 4
10 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang mga puntong mapag-uusapan na maaaring gamitin sa teritoryo sa pag-aalok ng aklat na Creation sa Setyembre.
15 min: Ang Ating Panahon ay Natatangi. Pahayag ng isang matanda, salig sa Nobyembre 15, 1996, Bantayan, pahina 22-3.
20 min: “Ikaw ba ay Nagbabata?” Pahayag at pagtalakay sa tagapakinig. Himukin ang lahat na pag-isipan ang kanilang personal na tagumpay sa pagpapamalas ng pagbabata sa ministeryong Kristiyano. Kapag ang mga kahinaan ay nahayag, may pangangailangang palakasin ang ating sarili sa espirituwal na paraan. Ilakip ang mga komento mula sa Oktubre 1, 1999, Bantayan, pahina 20-1, parapo 17-21. Anyayahan ang dalawa o tatlong mamamahayag na tapat na nakapagbata sa loob ng ilang mga taon na maglahad kung ano ang kanilang ginagawa para makapagtiyaga.
Awit 206 at pansarang panalangin.