Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/00 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Huwag Kaligtaan ang mga Di-aktibo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2007
  • Pagtulong sa mga Di Aktibo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • “Manumbalik Kayo sa Akin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
km 11/00 p. 7

Tanong

◼ Paano matutulungan ang isang tao na matagal nang naging di-aktibo upang maging kuwalipikadong muli bilang isang mamamahayag ng mabuting balita?

Kapag ang isang taong di-aktibo ay nagpapakita ng katunayan na siya’y may taos-pusong pagnanais na maglingkod kay Jehova, ito’y isang dahilan upang magalak. (Luc. 15:4-6) Malamang na pinahintulutan ng indibiduwal ang pagsalansang o panggigipit sa buhay na alisan ng dako ang kaniyang personal na pag-aaral, pagdalo sa pulong, at pakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Paano maibibigay ang personal na tulong sa pinakamabuting paraan upang siya’y sumulong sa espirituwal?

Dapat na isagawa nating lahat ang unang hakbang upang tiyaking muli sa kaniya ang ating tunay na Kristiyanong pag-ibig. Karaka-rakang aalamin ng matatanda ang kaniyang espesipikong mga pangangailangan sa espirituwal. (San. 5:14, 15) Kung hindi naman nagtagal ang pagiging di-aktibo, baka ang kailangan lamang ay tulong mula sa isang makaranasang mamamahayag upang ang indibiduwal ay maging aktibong muli sa paglilingkod sa larangan. Gayunman, kung ang isang di-aktibo ay matagal nang hindi nakisama sa kongregasyon, marahil ay higit pa ang kakailanganing tulong. Upang mapatibay ang pananampalataya at pagpapahalaga, baka kakailanganin ang personal na pag-aaral sa Bibliya sa isang angkop na publikasyon. Sa gayong kaso, isasaayos ng tagapangasiwa sa paglilingkod na isang kuwalipikadong mamamahayag ang magdaos ng pag-aaral. (Heb. 5:12-14; tingnan ang “Tanong” sa Nobyembre 1998 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.) Kung may alam kayong sinuman na nangangailangan ng gayong tulong, makipag-usap sa tagapangasiwa sa paglilingkod sa inyong kongregasyon.

Bago anyayahan ang isang matagal nang di-aktibo na muling makibahagi sa ministeryo, makabubuting makipag-usap sa kaniya ang dalawang matanda upang alamin kung siya’y kuwalipikado bilang isang mamamahayag ng Kaharian. Susundin nila ang pamamaraan na tulad niyaong ginagamit kapag nakikipag-usap sa mga baguhang nagnanais na maging kuwalipikado sa pagiging mga mamamahayag ng mabuting balita. (Tingnan ang Nobyembre 15, 1988, Watchtower, pahina 17.) Ang di-aktibo ay dapat na magkaroon ng marubdob na pagnanais na maibahagi sa iba ang mabuting balita. Kailangan ding matugunan niya ang mga pangunahing kahilingang nakabalangkas sa pahina 98-9 ng aklat na Ating Ministeryo at maging palagian sa pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon.

Malaki ang magagawa ng pagkakaroon ng isang mabuting espirituwal na rutin upang matulungan ang isang nagbabalik na lumakas at mapanatili ang kaniyang mahalagang kaugnayan kay Jehova at patuloy na lumakad sa daan tungo sa buhay na walang hanggan. (Mat. 7:14; Heb. 10:23-25) Ang paggawa niya ng “lahat ng marubdob na pagsisikap” at pagpapaunlad ng namamalaging mga katangiang Kristiyano ay hahadlang sa kaniya upang hindi na muling maging “di-aktibo o di-mabunga” bilang isang Kristiyanong alagad.—2 Ped. 1:5-8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share