United by Divine Teaching—Isang Pagsusuri sa Tunay na Pagkakaisa Bilang Magkakapatid
Isang tagapangasiwa ng sirkito ang sumama sa isang pag-aaral sa Bibliya na idinaraos sa isang babae na hindi pa nakadadalo sa mga pulong ng kongregasyon. Kaniyang inanyayahan siyang manood ng video na United by Divine Teaching. Nang linggong iyon ay dumalo siya sa pulong at nagsabi na siya’y maligayang-maligaya na nakapunta roon. Bakit nagkaroon ng gayon na lamang kabilis na resulta ang video na ito? Siya’y humanga sa paglalarawan nito sa ating mahalagang pagkakaisa bilang magkakapatid sa gitna ng isang marahas at mapamuhing sanlibutan.—Juan 13:35.
Panoorin ang video na ito upang makita at madama ang tinatamasang kapayapaan at pag-ibig sa gitna ng mga Saksi ni Jehova sa palibot ng daigdig. Pagkatapos ay bulay-bulayin ang mga tanong na ito:
(1) Bakit ang “Banal na Pagtuturo” ay isang angkop na tema para sa 1993-94 na mga kombensiyon?—Mik. 4:2.
(2) Ano ang naging kahulugan ng katotohanan ng Bibliya sa ilang pamilya? Ano ang naging kahulugan nito para sa iyo?
(3) Bakit mahalaga na maturuan ni Jehova?—Awit 143:10.
(4) Anong uri ng mga hamon ang kailangang mapagtagumpayan upang makapaghanda para sa malalaking pang-internasyonal na kombensiyon?
(5) Paano mo nakitang nagkatotoo ang Awit 133:1 at Mateo 5:3 sa Kristiyanong mga kombensiyon na iyong nadaluhan?
(6) Anong pangmadlang patotoo mayroon hinggil sa makapangyarihang mga epekto ng banal na pagtuturo?—Apoc. 7:9.
(7) Ano ang pinakamalaking maramihang pagbabautismo kailanman ng mga tunay na Kristiyano?
(8) Anong mga salita nina Mikas, Pedro, at Jesus ang natutupad sa gitna ng mga Saksi ni Jehova?
(9) Ano ang nagpapatunay sa iyo na ang isang maligaya at nagkakaisang pamilya ng sangkatauhan ay hindi isang panaginip lamang?
(10) Kanino mo ipalalabas ang video na ito, at bakit?
Pagkatapos na mapanood ang video na ito, ganito ang magandang sumaryo ng isang kapatid na babae: “Ang video ay higit na makatutulong sa akin upang matandaan na napakaraming mga Kristiyanong kapatid na lalaki at babae sa buong daigdig sa mismong pagkakataong ito ang matapat na naglilingkod kay Jehova. . . . Talaga ngang napakahalaga ng ating pagkakaisa bilang magkakapatid!”—Efe. 4:3.