Ano ang Tunguhin?
1 Bakit tayo nagdaraos ng mga pantahanang pag-aaral sa Bibliya? Upang ipagkaloob lamang ang kaalaman, upang mapasulong ang buhay ng mga tao, o upang mapasigla ang kanilang pangmalas sa hinaharap? Hindi. Ang ating pangunahing tunguhin ay ang gumawa ng mga alagad ni Jesu-Kristo! (Mat. 28:19; Gawa 14:21) Iyan ang dahilan kung bakit kailangang makisama sa kongregasyon ang ating inaaralan. Ang kanilang espirituwal na pagsulong ay tuwirang nauugnay sa kanilang pagpapahalaga sa organisasyong Kristiyano.
2 Kung Paano Ito Matatamo: Sa simula pa lamang, patuloy na himukin ang estudyante na dumalo sa mga pulong ng kongregasyon. (Heb. 10:24, 25) Ipaliwanag kung paanong ang mga ito ay magpapalakas sa kaniyang pananampalataya, tutulong sa kaniya sa paggawa ng kalooban ng Diyos, at maglalaan sa kaniya ng mabuting pakikisama sa iba na nagnanais ding pumuri kay Jehova. (Awit 27:13; 32:8; 35:18) Ang iyong personal na mga kapahayagan ng pag-ibig at pagpapahalaga sa kongregasyon at sa mga pulong ay pupukaw sa kaniyang pagnanais na dumalo.
3 Dapat maintindihan ng mga baguhan na ang organisasyon ni Jehova ay isang pang-internasyonal na kapatiran. Ipalabas sa kanila ang mga video na Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name at Our Whole Association of Brothers. Tulungan sila na mapahalagahan na ginagamit ni Jehova ang milyun-milyong nakaalay na mga indibiduwal sa buong daigdig upang ganapin ang kaniyang kalooban. Ipaalam sa mga baguhang ito na sila rin ay inaanyayahang maglingkod sa Diyos.—Isa. 2:2, 3.
4 Nagdudulot ng pagkalaki-laking kagalakan na makitang ang isang estudyante ng Bibliya ay naging isang tunay na alagad ni Jesus. Iyan ang ating tunguhin!—3 Juan 4.