Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 15
“Sa yugtong ito ng taon, karamihan sa mga tao ay nag-iisip tungkol kay Jesu-Kristo, naniniwala man sila sa kaniya o hindi. Ang ilan ay nagsasabi na hindi siya isang tunay na persona. Ano naman ang inyong pangmalas? [Pagkatapos tumugon, basahin ang Mateo 16:15, 16.] Nakatitiyak ako na masisiyahan kayo sa pagbabasa ng artikulong ito tungkol sa ‘Ang Tunay na Jesus’ upang makita kung paano siya nakaaapekto sa inyo ngayon at makaaapekto pa sa inyo sa hinaharap.”
Gumising! Dis. 22
“Hindi kaya kayo sasang-ayon na upang maging matiwasay ang buhay, kakailanganin natin ang isang ligtas at maaasahang suplay ng pagkain? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang ipinangako ng Diyos sa kaniyang bayan noong kapanahunan ng Bibliya. [Basahin ang Levitico 26:4, 5.] Tinatalakay ng Gumising! ang mga alalahaning umiiral sa ngayon may kinalaman sa ating pagkain. Tinutukoy rin nito ang panahon kapag ipinagkaloob na sa atin ng Diyos ang katiwasayan sa buong lupa.”
Ang Bantayan Ene. 1
“Nag-iisip ba kayo kung bakit waring maalwan ang buhay ng ilang tao samantalang ang iba naman ay nakikipagpunyagi upang mabuhay? Ang Bibliya ay may sinasabi tungkol dito. [Basahin ang Job 34:19.] Kung paano nilayon ng Diyos na wakasan ang mga pagkakaiba ng katayuan sa lipunan ay ipinaliliwanag sa magasing ito.”
Gumising! Ene. 8
“Alam nating lahat ang tungkol sa nakagigimbal na trahedyang ito sa daigdig. Mula noon, ang mga tao ay nangangailangan ng napakalaking kaaliwan at tulong. Ang artikulong ito, bukod pa sa ibang mga bagay, ay nagpapaliwanag kung ano ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova upang tulungan ang mga nakaligtas, ang mga boluntaryo sa pangkagipitang kalagayang ito, at ang mga naulila.”