Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 15
“Sa panahon ng kapaskuhan, marami ang nagsisikap na maging mabait at mahabagin. Sa palagay mo, magiging mas mabuting dako kaya ang daigdig kung ang mga tao ay magiging mahabagin sa buong taon? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang 1 Pedro 3:8.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang kahalagahan ng pagiging mahabagin at binabanggit nito ang ilang praktikal na paraan kung paano natin ito maipakikita.”
Gumising! Dis.
“Sa palagay mo, mabubuhay bang muli ang ating namatay na mga mahal sa buhay? [Hayaang sumagot.] Sinasabi ng Bibliya na may pag-asa ang mga patay. [Basahin ang Awit 68:20.] Ipinakikita ng magasing ito kung bakit hindi tayo dapat matakot na sa kamatayan natatapos ang lahat.”
Ang Bantayan Ene. 1
“Maraming tao ang nagdarasal na dumating na sana ang Kaharian ng Diyos. Halimbawa, pansinin ang bantog na panalanging ito na itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod. [Basahin ang Mateo 6:9, 10.] Naitanong mo na ba kung ano ang Kahariang ito at kailan ito darating? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng magasing ito ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito.”
Gumising! Ene.
“Sa buong kasaysayan, dumanas ng diskriminasyon at karahasan ang kababaihan. Bakit kaya? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya kung paano dapat pakitunguhan ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawa. [Basahin ang 1 Pedro 3:7.] Ipinakikita ng magasing ito mula sa Bibliya kung ano ang pangmalas ng Diyos at ni Kristo sa kababaihan.”