Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 15
“Sa panahong ito ng taon, iniisip ng marami ang tungkol sa pagsilang ni Jesus. Alam mo bang may mahahalagang aral na matututuhan tayo mula sa ulat ng Bibliya hinggil sa kaniyang pagsilang? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay bumaling sa pahina 5, at basahin ang 2 Timoteo 3:16.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang ilan sa mga aral na ito.”
Gumising! Dis. 22
“Sa palagay mo ba’y may dahilan ang mga magulang na mabahala kung paano naaapektuhan ng marahas na libangan sa ngayon ang kanilang mga anak? [Hayaang sumagot.] Maraming magulang ang gumagamit sa talatang ito ng Bibliya bilang patnubay. [Basahin ang Awit 11:5.] Tinutulungan ng isyung ito ng Gumising! ang mga pamilya na suriin ang mga panganib na kaakibat ng mga elektronikong laro.”
Ang Bantayan Ene. 1
“Kapag ang mga tao ay namatayan ng mahal sa buhay o nagdurusa sa isang karamdaman, madalas nilang naiisip, ‘Bakit kaya ito pinahihintulutan ng Diyos?’ Marahil ay naitanong mo na rin iyan. Ipinakikita ng Bibliya na nagmamalasakit ang Diyos sa mga nagdurusa. [Basahin ang Isaias 63:9a.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit tayo makatitiyak na wawakasan ng Diyos ang pagdurusa.”
Gumising! Ene. 8
“Sa palagay mo ba’y dapat makialam ang gobyerno sa kalayaan sa pagsasalita? [Hayaang sumagot.] Paano kung ang pagsasalita ay nagsasangkot ng pakikipag-usap sa iba tungkol sa relihiyon, gaya ng mababasa natin dito? [Basahin ang Gawa 28:30, 31.] Kamakailan, ang tanong na ito ay iniharap sa Korte Suprema ng Estados Unidos. Inaanyayahan kita na basahin ang tungkol dito sa isyung ito ng Gumising!”