Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Dis. 15
“Sa panahong ito ng santaon, inaalaala ng mga tao sa buong daigdig ang kapanganakan ni Jesus sa napakaraming paraan. Alam mo bang iniuugnay ng hula sa Bibliya ang kapanganakan ni Jesus sa namamalaging kapayapaan? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Isaias 9:6, 7.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano magaganap ang kapayapaang iyon.”
Gumising! Dis. 22
“Napapansin mo ba ang waring higit at higit na pagbibigay-pansin ng lipunan sa hitsura ng mga tao? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang ilang panganib ng labis na pagkahumaling sa kagandahan. Itinatampok din nito ang pakinabang sa pinakamahalagang uri ng kagandahan.” Basahin ang 1 Pedro 3:3, 4.
Ang Bantayan Ene. 1
“Itinuturo ng maraming relihiyon na dapat ibigin ng mga tao ang kanilang kapuwa. [Basahin ang Mateo 22:39.] Pero bakit kaya kasangkot ang relihiyon sa napakaraming digmaan at mga alitan sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng isyung ito ng Ang Bantayan ang tanong na, Mapagkakaisa ba ng relihiyon ang mga tao?”
Gumising! Ene. 8
“Paano mo sasagutin ang tanong na ito? [Basahin ang tanong sa pabalat. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Nakababahala ang mabilis na pagkaubos ng yaman ng lupa. Gayunman, pansinin ang nakapagpapatibay-loob na pangakong ito. [Basahin ang Awit 104:5.] Ipinaliliwanag ng isyung ito ng Gumising! kung paano lubusang makababawi ang ating planeta sa malapit na hinaharap.”