Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 15
“Sasang-ayon ka ba na kayang gawin ng matuwid na pamamahala na maging isang mas mabuting tirahang-dako ang lupang ito? [Hayaang sumagot.] Pakisuyong pansinin kung ano ang pangako ng Bibliya. [Basahin ang Awit 37:11.] Maaari nating tamasahin ang gayong kapayapaan, na magkakatotoo sa ilalim ng isang sakdal na Lider na ipinakikilala sa mga artikulong ito.”
Gumising! Mar. 22
“Ang mga lindol ay nagiging sanhi ng maraming kamatayan at pagkawasak. Ang mga nakaligtas ay kadalasang nawawalan ng tahanan, at walang kakayahang makabawi. Ipinakikita sa labas na ito ng Gumising! kung paano hinarap ng mga biktima ang idinulot ng lindol. Ipinaliliwanag din nito kung paanong ang mga lindol ay bahagi ng isang napakahalagang hula ng Bibliya.”
Ang Bantayan Abr. 15
“Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang isang nakapagpapasiglang kaisipan mula sa Bibliya. [Basahin ang Mateo 22:37.] Ano sa palagay mo ang kahulugan niyan? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang artikulong ito, ‘Hanapin ang Diyos sa Pamamagitan ng Iyong Puso at Isip.’ Ang tunay na pananampalataya ba ay may kaugnayan lamang sa puso, o dapat na nasasangkot din dito ang kaisipan? Ang kasagutan ay nagdudulot ng kaliwanagan.”
Gumising! Abr. 8
“Kagaya ng alam mo, ang pangangalaga sa pamilya ay isang hamon sa mga araw na ito, at ang pagiging ina ay isang mahirap na gawain. Ang labas na ito ng Gumising! ay may isang kapana-panabik na pagtalakay sa paksang ‘Pagiging Ina—Kailangan Bang Maging Ubod-Galing na Babae?’ Nais kong iwanan sa iyo ang kopyang ito.”