Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mar. 15
“Nais ka naming anyayahan sa pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon sa Linggo, Abril 4. [Ipaliwanag ito gamit ang pabalat sa likod ng magasin o ang nakalimbag na imbitasyon sa Memoryal. Pagkatapos ay basahin ang Lucas 22:19.] Tinatalakay ng tampok na mga artikulo sa isyung ito ng Ang Bantayan ang kahulugan ng okasyong ito at kung paano ito ipinagdiriwang.”
Gumising! Mar. 22
Pagkatapos banggitin ang isang masaklap na pangyayaring nalalaman ng mga tao, magtanong: “Napag-isip-isip mo na ba kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang gayong mga bagay? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Santiago 1:13.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito, na pantanging isinulat para sa mga kabataan, kung bakit hindi pa nakikialam ang ating maibiging Maylalang upang wakasan ang pagdurusa ng tao.”
Ang Bantayan Abr. 1
“Iilang talata lamang sa Bibliya ang pumukaw ng napakaraming haka-haka na gaya ng mahiwagang paglalarawan ng Bibliya sa marka ng hayop. Narinig mo na ba ang tungkol dito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Apocalipsis 13:16-18.] Inilalaan mismo ng Bibliya ang mga susi na makapagsisiwalat sa kahulugan ng hiwagang ito. Ipinaliliwanag ng magasing ito kung anu-ano ang mga ito.”
Gumising! Abr. 8
“Karamihan sa mga tao ay pamilyar sa talambuhay ni Moises. Pero alam mo ba na may sinabi si Moises na nakaaapekto sa buhay natin sa ngayon? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Deuteronomio 18:15.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! kung sino ang inihulang propetang iyon at kung ano ang gagawin niya para sa kapakinabangan ng sangkatauhan.”