Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/03 p. 2
  • Mga Paalaala sa Memoryal

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Paalaala sa Memoryal
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2001
  • Mga Paalaala sa Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 3/03 p. 2

Mga Paalaala sa Memoryal

Ang pagdiriwang ng Memoryal sa taóng ito ay papatak sa Miyerkules, Abril 16. Dapat bigyang-pansin ng matatanda ang sumusunod na mga bagay:

◼ Sa pagtatakda ng oras ng pulong, tiyaking hindi ipapasa ang mga emblema kundi pagkalubog ng araw.

◼ Dapat ipagbigay-alam sa lahat, lakip na sa tagapagsalita, ang eksaktong oras at lugar ng pagdiriwang.

◼ Dapat kunin at ihanda ang angkop na uri ng tinapay at alak.​—Tingnan ang Agosto 15, 1985, Bantayan, pahina 19.

◼ Ang mga plato, baso, at isang angkop na mesa at mantel ay dapat na patiunang dalhin at ipuwesto sa bulwagan.

◼ Ang Kingdom Hall o iba pang dakong pulungan ay dapat na patiunang linising mabuti.

◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat na patiunang piliin at tagubilinan hinggil sa kanilang mga tungkulin, pagsunod sa wastong pamamaraan, at pangangailangan para sa marangal na pananamit at pag-aayos.

◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan na maisilbi ang mga emblema sa sinumang pinahiran na may sakit at hindi makadadalo.

◼ Kung mahigit sa isang kongregasyon ang nakaiskedyul na gagamit sa iisang Kingdom Hall, dapat magkaroon ng mahusay na koordinasyon ang mga kongregasyon upang maiwasan ang di-kinakailangang pagsisiksikan sa lobby o sa pasukan, sa daanan ng mga tao, at sa paradahan. Kung posible, makabubuting magkaroon ng 45 minutong pagitan ang mga pagdiriwang.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share