Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 15
“Araw-araw tayong nakababalita ng mga ulat ng karahasan. Sa palagay mo ba ay ganiyan na rin ang mga kalagayan noon? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya. [Basahin ang Mateo 24:37.] Napakasama ng mga tao noong panahon ni Noe kung kaya’t nilipol ng Diyos ang lahat maliban kay Noe at ang kaniyang pamilya. Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang kahulugan ng mga pangyayaring iyon sa atin sa ngayon.”
Gumising! Mayo 22
“Sa ngayon, ang sakit na dala ng mga insekto ay isa sa maraming panganib sa ating kalusugan. Alam mo bang may magagawa tayong mga pag-iingat upang protektahan ang ating sarili? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga pag-iingat na ito, gayundin ang pangako ng Bibliya hinggil sa panahon kapag wala nang sakit.” Magtapos sa pamamagitan ng pagbasa sa Isaias 33:24.
Ang Bantayan Hunyo 1
“Dahil sa mga ulat ng maling pangangasiwa sa iniabuloy na mga pondo, nag-iisip ang ilan kung matalino bang magbigay sa mga organisasyon ng kawanggawa. Gayunman, napakaraming tao ang nangangailangan. Ano sa palagay mo ang maaaring gawin? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Hebreo 13:16.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang uri ng pagbibigay na nakalulugod sa Diyos.”
Gumising! Hunyo 8
“Lumilitaw na hindi na pinahahalagahan ng mga tao sa ngayon ang mga pamantayang moral at mabubuting asal na gaya noon. Napansin mo bang totoo ito? [Hayaang sumagot.] Kapansin-pansin, inihula ito ng Bibliya. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! kung bakit nagbabago ang mga pamantayan ng tao at kung ano ang magaganap sa hinaharap.”