Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Abr. 15
“Sa nakalipas na mga taon, maraming tao ang nakapapansin na bumababa ang espirituwal na mga pamantayan. Napansin mo ba ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Awit 119:105.] Ang pagpapahalaga sa espirituwal na mga pamantayan ay makatutulong sa mga tao na maiwasan ang maraming patibong sa buhay. Binabanggit ng magasing ito kung saan masusumpungan ang tunay na pagpapahalaga sa espirituwal na mga pamantayan.”
Gumising! Abr. 22
“Sa daigdig na ito na mabilis ang takbo ng buhay, marami ang nag-iisip kung masyado bang nagiging mabilis ang paglaki ng mga bata. Nababahala ka ba hinggil dito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Eclesiastes 3:1, 4.] Ang pagkabata ay hindi panahon para pasanin ang mga pananagutan ng adulto. Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! kung paano mapag-iingatan ng mga magulang ang pagkabata ng kanilang mga anak.”
Ang Bantayan Mayo 1
“Ang ilang katanungan ay hindi kayang sagutin ng tao. Pansinin ang halimbawang ito. [Basahin ang Job 21:7.] May naisip ka na bang bagay na gusto mong itanong sa Diyos? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano nasumpungan ng mga tao sa lahat ng bahagi ng daigdig ang kasiya-siyang mga sagot sa tatlo sa pinakaseryosong tanong sa buhay.”
Gumising! Mayo 8
“Karamihan sa atin ay may kilalang tao na may diyabetis. Marami ka bang nalalaman tungkol sa sakit na ito? [Ipakita ang pabalat ng magasin, at hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang mga sanhi at paggagamot sa diyabetis. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Bibliya tungkol sa isang permanenteng lunas sa lahat ng sakit.” Magtapos sa pamamagitan ng pagbasa sa Isaias 33:24.