Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Hunyo 15
“Naniniwala ang ilang tao na si Jesus ang pinakadakilang tao sa kasaysayan. Kinukuwestiyon naman ng iba kung talaga nga bang umiral siya. Sa palagay mo kaya’y mahalaga kung ano ang paniwala natin tungkol sa kaniya? [Matapos sumagot, basahin ang Gawa 4:12.] Ano ang ebidensiya na talagang nabuhay si Jesus sa lupa? Sinusuri ng magasing ito ang tanong na iyan.”
Gumising! Hunyo 22
“Nababahala ang maraming tao hinggil sa kapaligiran. Sa palagay mo ba’y posibleng maingatan ang tropikal na maulang kagubatan sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Inilalarawan ng magasing ito ang kasalukuyang mga pagsisikap upang iligtas ang maulang kagubatan. Tinatalakay rin nito kung paano matutupad ang magandang pangakong ito mula sa Diyos.” Basahin ang Isaias 11:9.
Ang Bantayan Hulyo 1
“Ang isa sa pinakamahalagang pangangailangan natin bilang mga tao ay ang magmahal at mahalin. [Basahin ang siniping kapsiyon sa pahina 4.] Pero, napansin mo ba na mas binibigyang-priyoridad ng modernong lipunan ang ibang mga bagay? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito kung ano ang tunay na pag-ibig at kung paano ito malilinang.” Basahin ang 1 Corinto 13:2.
Gumising! Hulyo 8
“Ikinababahala ng maraming tao ang pagdami ng mga gawa ng walang-saysay na karahasan. [Banggitin ang isang halimbawa na pamilyar sa inyong lugar, at hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang ilan sa mga salik na umaakay sa mararahas na krimen. Ipinaliliwanag din nito kung paano lubusang aalisin ng Diyos ang krimen at karahasan.” Basahin ang Awit 37:10, 11.