Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Mayo 15
“Sa palagay mo kaya ay makikita pa natin ang isang daigdig na wala nang karalitaan? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang ipinangangako ng Diyos. [Basahin ang Isaias 65:21.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan kung paano matutupad ang pangakong ito.” Isaayos na bumalik upang talakayin ang tanong na: Kailan magaganap ang ipinangakong pagbabago na ito?
Gumising! Mayo 22
“Alam ng maraming tao na mahalaga ang pag-eehersisyo para sa mabuting kalusugan, pero inaamin ng marami na hindi sapat ang kanilang pag-eehersisyo. Sang-ayon ka ba? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng magasing ito ang mga kapakinabangan ng regular na ehersisyo at nagmumungkahi ng ilang paraan upang magawa natin ito sa kabila ng ating abalang buhay.”
Ang Bantayan Hunyo 1
“Bagaman pinag-uusapan ng halos lahat ang tungkol sa kapayapaan, mailap sa sangkatauhan ang pandaigdig na pagkakaisa. Sa palagay mo kaya’y panaginip lamang ang pagkakamit nito? [Hayaang sumagot.] Itinatawag-pansin ng magasing ito ang isang pamahalaan na may kakayahang pagkaisahin ang daigdig.” Basahin ang Awit 72:7, 8, at isaayos na bumalik upang talakayin kung paano ito magaganap.
Gumising! Hunyo 8
“Napapansin mo ba na maraming tao ang nababahala sa tumitinding paglaganap ng kanser sa balat? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng isyung ito ng Gumising! kung bakit malamang na mas nanganganib tayo sa ngayon at kung ano ang magagawa natin upang ipagsanggalang ang ating sarili.” Magtapos sa pamamagitan ng pagbanggit sa nakaaaliw na pangakong masusumpungan sa Job 33:25.