Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 15
“Maraming tao ang nagtataka kung bakit sa halip na bumuti ang mga bagay-bagay, parang palala pa nang palala ang mga problemang sumasalot sa sangkatauhan. Napag-isip-isip mo na ba kung ano ang sinasabi ng talatang ito hinggil sa posibleng dahilan? [Basahin ang Apocalipsis 12:9. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Tinatalakay ng magasing ito ang mga pakana ng Diyablo upang iligaw ang mga tao at kung paano natin malalabanan ang kaniyang impluwensiya.”
Gumising! Nob. 22
“Bagaman may sapat na pagkain para sa lahat ng tao sa lupa, mga 800 milyon katao ang hindi nakakakain nang sapat. Hindi ba’t napakasaklap niyan? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito ang lumalaking hamon sa pagpapakain sa mga lunsod. Tinatalakay rin nito ang pangako ng Bibliya hinggil sa isang daigdig na wala nang gutom.” Basahin ang Awit 72:16a.
Ang Bantayan Dis. 1
“Kapag naririnig ng mga tao ang salitang ‘Armagedon,’ naiisip ng karamihan sa kanila ang kakila-kilabot na pagkapuksa ng marami. [Ipakita ang kahon sa pahina 3.] Magugulat ka ba kung malaman mo na sa katunayan ang Armagedon ay isa sa pinakamabuting bagay na maaaring mangyari sa atin? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit.” Basahin ang 2 Pedro 3:13.
Gumising! Dis. 8
“Nais ko sanang sabihin sa iyo na darating ang panahon at lahat ng tao ay magkakaroon ng angkop na tirahan. Hindi ba’t nakalulungkot na napakaraming tao ang walang tirahan? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Isaias 65:21, 22.] Sinusuri ng magasing ito ang mga dahilan ng kawalan ng tirahan. Ipinaliliwanag din nito kung paano tutuparin ng Diyos ang pangakong kababasa lamang natin.”