Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 1
“Sa palagay mo, kung susundin ng mag-asawa ang payo na ito ng Bibliya, magiging matibay kaya ang kanilang pagsasama? [Basahin ang Job 31:1. Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng artikulong ito ang mga simulain sa Bibliya na makakatulong sa mag-asawa na manatiling tapat sa isa’t isa.” Itampok ang artikulo sa pahina 18.
Gumising! Nob.
“Maraming tao ang naniniwala na napakabilis nang nauubos ng mga yamang-dagat. Sa tingin mo, magtatagumpay kaya ang gobyerno ng tao sa paglutas sa problemang ito? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Mateo 6:10.] Sinusuri ng artikulong ito kung bakit tayo dapat mabahala sa problemang ito at ipinakikita rin nito kung paano ito lulutasin ng Diyos.” Itampok ang artikulo sa pahina 20.
Ang Bantayan Dis. 1
“Kapag ganitong panahon, naiisip ng maraming tao si Jesus. Ano ang masasabi mong naging epekto ni Jesus sa buhay mo? [Hayaang sumagot.] Hinihimok tayo ng Bibliya na tularan ang halimbawa ni Jesus. [Basahin ang 1 Pedro 2:21.] Kung gagawin natin ito, tayo ay magiging mas mabuti at mas masayang tao. Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit.”
Gumising! Dis.
“Matagal nang pinag-iisipan ng mga tao ang tanong na ito. [Ipakita ang tanong sa pabalat.] Sa palagay mo, saan kaya tayo makakakuha ng kasiya-siyang sagot sa tanong na ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung bakit tayo makapagtitiwala na mailalaan ng Diyos ang sagot sa tanong na ito. [Basahin ang Awit 100:3.] Ipinakikita ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa paksang ito.”