Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 15
“Gusto nating lahat ng maligaya at makabuluhang buhay. Sang-ayon ka ba sa sinabi rito ni Jesus tungkol sa susi sa kaligayahan? [Basahin ang Mateo 5:3. Saka hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito na magiging makabuluhan ang ating buhay kung sasapatan natin ang ating likas at pangunahing pangangailangang sumamba sa Diyos.”
Gumising! Nob.
“Sa panahong ito ng siyensiya at pag-aalinlangan, inaakala ng maraming tao na lipas na ang Bibliya. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Alam mo bang tumpak ang lahat ng sinasabi ng Bibliya tungkol sa siyensiya? [Basahin ang Job 26:7.] Binabanggit ng espesyal na isyung ito ng Gumising! ang nakakukumbinsing mga dahilan kung bakit tayo makapagtitiwala sa Bibliya.”
Ang Bantayan Dis. 1
“Paano mo sasagutin ang tanong na ito? [Basahin ang tanong sa pabalat. Saka hayaang sumagot.] Layunin ng Diyos na pagkaisahin ang mga lahi ng tao. [Basahin ang Awit 46:8, 9.] Ipinakikita ng magasing ito kung paano magkakaroon ng pagkakaisa ayon sa Bibliya.”
Gumising! Dis.
“Iniisip ng ilan na ang kamatayan ay daan tungo sa kabilang-buhay; naniniwala naman ang iba na dito na natatapos ang lahat ng bagay. Sa tingin mo, dapat bang katakutan ang kamatayan? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang inaasahan ni Job kapag namatay siya. [Basahin ang Job 14:14, 15.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung ano ang malinaw na sinasabi ng Bibliya na mangyayari sa atin kapag tayo ay namatay.”