Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 15
“Noon, marami ang naniniwala na magiging isang paraiso ang lupa balang araw. Sa ngayon, nag-aalinlangan ang ilan kung ito ba’y makaliligtas man lamang. Ano ang pangmalas ninyo sa kinabukasan ng lupa? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito. [Basahin ang Awit 37:11.] Tinatalakay ng magasing ito kung ano pa ang mga inihula ng Bibliya para sa lupa.”
Gumising! Nob. 22
“Nag-aalala ang ilang tao na hindi na malulunasan ang pinsalang naidulot sa kapaligiran. Sa palagay mo ba’y wala nang pag-asa ang kalagayang ito? [Hayaang sumagot.] Hindi nilayon ng Maylalang na ang lupa ay maging isang di-matitirhang tambakan ng basura. [Basahin ang Isaias 45:18.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano maililigtas ang lupa.”
Ang Bantayan Dis. 1
“Ang ilang tao sa ngayon ay nawawalan na ng pananampalataya sa Diyos. Ang isang dahilan dito ay hindi sila makasumpong ng kasiya-siyang mga sagot sa nakababahalang mga tanong na gaya ng mga ito. [Magbigay ng halimbawa mula sa kahon sa pahina 6.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang isang susi sa pagkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos.” Basahin ang Filipos 1:9.
Gumising! Dis. 8
“Sa palagay mo ba’y tatamasahin pa ng sangkatauhan ang mga kalagayan na gaya ng mga inilalarawan dito? [Basahin ang Isaias 14:7. Pagkatapos ay hayaang sumagot.] Ang magasing ito ay naglalaman ng praktikal na impormasyon na makatutulong sa atin habang hinihintay natin ang katuparan ng mga pangako ng Diyos.” Itampok ang artikulong “Paano Mo Malalabanan ang Maling mga Pagnanasa?”