Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 15
“Sa dami ng katiwalian sa daigdig ngayon, iniisip ng iba, ‘Bakit ba ako nagpapakahirap na gawin ang tama?’ Naisip na rin po ba ninyo ito? [Hayaang sumagot.] Pansinin po ninyo ang nakapagpapasiglang mga salitang ito. [Basahin ang Kawikaan 2:21, 22.] Ipinaliliwanag po ng magasing ito ang pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat tayong maging matuwid.”
Gumising! Nob.
“Inaakala ng ilan na Diyos ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari. Kapag may trahedyang naganap, sinasabi nila na may magandang dahilan ang Diyos kung bakit niya ginawa ito. Ano po ang masasabi ninyo? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Santiago 1:13.] Ipinakikita po ng magasing ito kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sanhi ng pagdurusa at kung ano ang ginagawa ng Diyos para alisin ito.”
Ang Bantayan Dis. 1
“Sa palagay po ninyo, natutupad na kaya ngayon ang hulang ito sa Bibliya? [Basahin ang Mateo 24:11. Saka hayaang sumagot.] Tinatalakay po ng magasing ito ang ilang turo na naging popular na. Ipinakikita rin nito kung paano natin maiiwasang madaya ng huwad na mga tagapagturo.”
Gumising! Dis.
“Sino po ang pipiliin ninyong pinakadakilang tao na nabuhay kailanman? [Hayaang sumagot.] Marami pong nagsasabing si Jesus ang pinakadakilang tao. Pansinin po ninyo kung ano ang gagawin niya para sa lupa bilang Tagapamahala ng Kaharian ng Diyos. [Ipakita ang larawan sa pahina 8-9, at basahin ang isa sa itinampok na teksto.] Tinatalakay po ng magasing ito kung paano at kung kailan ito gagawin ni Jesus.”