Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Nob. 15
“Nag-iisip ang ilan kung kailangan nga ba natin ang mga simbahan at mga templo para sambahin ang Diyos. Anong masasabi mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa bagay na ito. [Basahin ang Gawa 17:24.] Kung gayon, para saan ba dapat ang mga dako ng pagsamba? Ang magasing ito ay nagbibigay ng maka-Kasulatang sagot sa tanong na iyan.”
Gumising! Nob. 22
“Sa palagay mo ba’y mapapawi ng siyensiya ang sakit at karamdaman balang araw? [Hayaang sumagot.] Sinusuri ng isyung ito ng Gumising! ang ilan sa mga pagsulong na nagawa na ng siyensiya. Ipinakikita rin nito kung bakit tanging ang Maylalang ang may kapangyarihang mag-alis ng sakit at kamatayan.” Basahin ang Awit 146:3-5, at ialok ang magasin.
Ang Bantayan Dis. 1
“Sa panahon ngayon, halos lahat ay nagkakaproblema sa pananalapi. Totoo rin ito sa mga simbahan, kaya naman lalong nagiging puspusan higit kailanman ang mga paghiling ng mga pondo. Nababahala ka ba hinggil diyan? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang 1 Tesalonica 2:9.] Isinasaalang-alang ng Ang Bantayan kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil dito.”
Gumising! Dis. 8
“Dahil sa mga banta ng terorismo, marami ang nag-iisip kung ligtas nga bang sumakay sa eroplano. Nababahala ka ba tungkol dito? [Hayaang sumagot.] Kinikilala ng Bibliya na walang sinuman ang ligtas sa masasamang pangyayari. [Basahin ang Eclesiastes 9:11.] Gayunman, isinasaalang-alang ng isyung ito ng Gumising! kung paano ka magiging higit na ligtas at maalwan kapag sumasakay sa eroplano.”