Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/03 p. 1
  • Pangangaral sa Isang Pabagu-bagong Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pangangaral sa Isang Pabagu-bagong Daigdig
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Gamitin ang Kasalukuyang mga Pangyayari Upang Antigin ang Interes
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2000
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Sari-saring Paraan sa Pagbabahay-Bahay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Mga Paraan Upang Pasulungin ang Ating Pangangaral ng Kaharian
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • Magpakita ng Personal na Interes—Sa Pamamagitan ng Paghahanda
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2006
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 6/03 p. 1

Pangangaral sa Isang Pabagu-bagong Daigdig

1 Kaybilis magbago ng mga bagay-bagay! Sa magdamag, maaaring maging paksa ng usapan ang isang likas na kasakunaan, krisis sa ekonomiya, kaguluhan sa pulitika, o isang trahedya na balitang-balita. Gayunman, maaaring gayundin kabilis ibaling ng mga tao ang kanilang pansin sa ibang bagay. (Gawa 17:21; 1 Cor. 7:31) Sa pabagu-bagong daigdig na ito, paano natin makukuha ang atensiyon ng mga tao upang maibahagi natin sa kanila ang mensahe ng Kaharian?

2 Alamin ang Ikinababahala ng Iba: Ang isang paraan upang makuha ang atensiyon ng mga tao ay sa pamamagitan ng pagbanggit sa kasalukuyang mga pangyayari. Sa paghimok niya sa kaniyang mga tagapakinig na seryosong pag-isipan ang kanilang katayuan sa Diyos, binanggit noon ni Jesus sa isang pagkakataon ang kagaganap lamang na mga trahedya na nasa kanilang isipan. (Luc. 13:1-5) Sa katulad na paraan, kapag inihaharap ang mabuting balita, makabubuti kung babanggitin natin ang kasalukuyang balita o lokal na isyu kung saan interesado ang mga tao sa ating teritoryo. Gayunman, kapag tinatalakay ang mga bagay na ito, dapat tayong mag-ingat na wala tayong pinapanigan sa mga isyung pampulitika at panlipunan.—Juan 17:16.

3 Paano natin malalaman kung ano ang kasalukuyang iniisip ng mga tao? Marahil ang pinakamagandang paraan ay magtanong at pagkatapos ay makinig. (Mat. 12:34) Ang interes sa mga tao ang magpapakilos sa atin na bigyang-pansin ang pangmalas ng iba at mataktikang magtanong nang higit pa. Ang isang kusang-loob na kapahayagan ng may-bahay ay maaaring magsiwalat ng ikinababahala ng marami sa lugar na iyon at makapagbubukas ng daan para makapagpatotoo.

4 Paghahanda ng Presentasyon: Sa paghahanda para sa paglilingkod sa larangan sa isang pabagu-bagong daigdig, magagamit natin ang aklat na Nangangatuwiran. Ang nakatutulong na mga mungkahi kung paano ilalakip ang kasalukuyang mga pangyayari sa ating presentasyon ay nakatala sa pahina 11-12 (p. 10-11 sa Ingles), sa ilalim ng “Krimen/Kapanatagan” at “Kasalukuyang mga Pangyayari.” Ang nakakatulad na impormasyon ay masusumpungan sa Ating Ministeryo sa Kaharian ng Setyembre 2000, pahina 4. Kapag inihahanda ang iyong presentasyon, tiyaking ilakip ang isang angkop na kasulatan.

5 Habang nagbibigay-pansin tayo sa pabagu-bagong mga alalahanin ng mga nasa ating teritoryo, kailangan nating ibagay ang ating presentasyon ng mabuting balita alinsunod dito. Sa gayong paraan, ipinakikipag-usap natin sa mga tao kung ano ang malapít sa kanilang puso. Sa gayon, tinutulungan natin ang marami pa na makilala ang Isa na di-nagbabago sa kaniyang mga katangian at mga pamantayan.—Sant. 1:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share