Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
“Sa daigdig sa ngayon, nadarama ng ilan na sila ay nakakulong sa isang walang-pag-ibig na pag-aasawa. Saan makahihingi ng tulong ang mga taong nasa gayong situwasyon? [Hayaang sumagot.] Tinitiyak sa atin ng Bibliya na matutulungan tayo ng mga simulain ng Diyos. [Basahin ang Isaias 48:17, 18.] Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang mga simulain ng Bibliya na makapagpapatibay sa pag-aasawa.”
Gumising! Set. 22
“Namamangha tayo sa kakayahan ng mga hayop na makipag-usap. Pero alam mo ba na may ilang aspekto na pambihira sa mga tao? [Hayaang sumagot. Pagkatapos ay basahin ang Awit 65:2.] Hindi tulad ng mga hayop, hangad nating makipag-usap sa Diyos. Tinatalakay ng magasing ito kung paano tayo magkakaroon ng mahusay na pakikipag-usap sa mga tao at sa Diyos.”
Ang Bantayan Okt. 1
“Naitanong mo na ba, ‘Kung ang Diyos ay maibigin at makapangyarihan-sa-lahat, bakit hindi siya mamagitan alang-alang sa mga nagdurusa?’ [Hayaang sumagot.] Hindi na magtatagal at wawakasan na niya ang lahat ng problema. [Basahin ang Isaias 65:17.] Samantala, ang Diyos ay hindi lamang basta nagmamasid nang walang pagkabahala habang tayo ay nagdurusa, gaya ng ipinakikita ng magasing ito.”
Gumising! Okt. 8
“Nabalitaan mo na ba na maraming magbubukid ang nahihirapang magpatuloy sa kanilang hanapbuhay? [Hayaang sumagot.] Tinatalakay ng isyung ito ng Gumising! ang problemang ito gayundin ang pangako ng Bibliya na mas mabuting buhay sa hinaharap. [Basahin ang Awit 72:16.] Pagbalik ko, nais kong ipaliwanag kung paano ito gagawin ng Diyos.”