Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
“Gusto ko sanang tanungin ang opinyon mo tungkol sa tekstong ito. [Basahin ang Deuteronomio 32:4.] Kung ang Diyos ay talagang makapangyarihan-sa-lahat at makatarungan, naisip mo na ba kung bakit labis-labis ang kasamaan at pagdurusa sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan hanggang sa panahon natin.”
Gumising! Set.
“Gusto ng karamihan sa atin na magkaroon ng mabuting kalusugan at mahabang buhay. Sa palagay mo, makatutulong kaya sa ating kalusugan kung laging positibo ang pananaw natin sa buhay? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Kawikaan 17:22.] Tinatalakay ng artikulong ito kung bakit makabubuti sa isa ang maging positibo.” Itampok ang artikulo sa pahina 26.
Ang Bantayan Okt. 1
“Minsan ka na bang nagpasiya na pinagsisihan mo nang bandang huli? [Hayaang sumagot.] Pansinin mo ang sinasabi ng tekstong ito kung bakit tayong lahat kung minsan ay may nagagawang pasiya na pinagsisisihan natin. [Basahin ang Jeremias 10:23.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung paano makatutulong sa ating pagpapasiya ang praktikal na payo ng Bibliya.”
Gumising! Okt.
“Sa palagay mo, mas mapanganib ba ang panahon ngayon para sa mga bata kaysa noon? [Hayaang sumagot.] Kumbinsido ang marami na nabubuhay tayo sa panahong binabanggit sa tekstong ito. [Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5.] May ilang praktikal na mungkahi sa magasing ito kung paano poprotektahan ng mga magulang ang kanilang mga anak mula sa seksuwal na pang-aabuso.”