Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
“Milyun-milyong tao ang naniniwala na ang mga ‘santo’ ay may pantanging kapangyarihan at na makabubuting manalangin sa tulong nila. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang sinabi ni Jesu-Kristo. [Basahin ang Juan 14:6.] Ito ang dahilan kung kaya nag-aalinlangan ang ilan hinggil sa pananalangin sa tulong ng mga ‘santo.’ Tinatalakay ng isyung ito ng Ang Bantayan ang mahalagang paksang ito.”
Gumising! Set. 22
“Marami sa ngayon ang nababahala hinggil sa terorismo, pati na sa paggamit ng biyolohikal na mga sandata. Sa palagay mo ba ay kayang sugpuin ng mga gobyerno ng tao ang terorismo sa daigdig? [Hayaang sumagot.] Ipinakikita ng Bibliya kung ano ang gagawin ng Diyos. [Basahin ang Ezekiel 34:28.] Sinusuri ng magasing ito na Gumising! ang ilan sa mga isyung nasasangkot.”
Ang Bantayan Okt. 1
“Marami ang nag-iisip kung magwawakas pa kaya ang lahat ng mga problema na ating nakikita sa paligid—mga digmaan, krimen, at terorismo. Ano sa palagay mo? [Hayaang sumagot.] Ibinibigay ng Bibliya ang nakaaaliw na katiyakang ito. [Basahin ang Awit 37:10, 11.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit hindi pa winawakasan ng Diyos ang kasamaan at ang pagdurusang idinudulot nito.”
Gumising! Okt. 8
“Sa ngayon, waring kapansin-pansin ang pagdami ng mga pamilyang may nagsosolong magulang. Ipinakikita ng Bibliya na ang ating Maylalang ay nahahabag sa kanila. [Basahin ang Awit 146:9.] Ipinakikita ng isyung ito ng Gumising! kung paano makatutulong ang mga simulain ng Bibliya sa nagsosolong mga magulang upang magtagumpay sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.”