Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 15
Bumanggit ng isang balita na ikinababahala ng mga tao sa inyong lugar. Saka itanong: “Sa palagay po ninyo, tama ba ang sinasabi ng talatang ito sa Bibliya tungkol sa panahon natin sa ngayon? [Basahin ang 2 Timoteo 3:1, at hayaang sumagot.] Sinusuri ng artikulong ito ang katibayan na nabubuhay na nga tayo sa mga huling araw at ipinakikita nito kung ano ang dapat nating gawin.”
Gumising! Set.
“Marami ang nag-iisip na tayo ay nilalang. Ang iba naman ay nagsasabing bunga tayo ng ebolusyon. Ano naman ang masasabi ninyo? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang mungkahing ito upang tulungan tayong malaman ang tamang konklusyon. [Basahin ang Job 12:7, 8.] Tinatalakay ng espesyal na isyung ito ng Gumising! kung ano ang matututuhan natin mula sa karunungan at disenyong nakikita sa kalikasan.”
Ang Bantayan Okt. 1
“Sinisikap ng mga biyologo na maalis ang sakit at mapahaba ang ating buhay. Sa palagay ninyo, darating kaya ang panahon na posibleng mabuhay tayo magpakailanman? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung bakit gustung-gusto nating mabuhay nang mas mahabang panahon. [Basahin ang Eclesiastes 3:11.] Ipinaliliwanag ng magasing ito kung bakit nilalang tayo ng Diyos na may hangaring mabuhay magpakailanman.”
Gumising! Okt.
“Halos lahat ay tuwang-tuwa sa panonood ng telebisyon. Pero sa palagay ninyo, dapat ba tayong maging mapili sa ating pinanonood? [Hayaang sumagot. Saka basahin ang Kawikaan 13:20.] Tinatalakay ng magasing ito kung paano tayo naiimpluwensiyahan ng telebisyon, at nagmumungkahi ito kung paano kokontrolin ang ating panonood.”