Kung Ano ang Sasabihin Tungkol sa mga Magasin
Ang Bantayan Set. 1
“Sa palagay mo, saan kaya tayo makakakuha ng maaasahang payo kapag kailangan nating gumawa ng mahahalagang pasiya? [Hayaang sumagot. Basahin ang Kawikaan 3:5, 6.] Ipinakikita ng artikulong ito na ayon sa Diyos, isang karunungan na pag-isipan muna ang magiging resulta bago tayo magpasiya.” Itampok ang artikulo sa pahina 8.
Gumising! Set.
“Sa palagay mo, nilayon kaya ng Diyos na magdusa ang mga tao dahil sa kakapusan ng pagkain na nagpapahirap sa daigdig ngayon? [Hayaang sumagot.] Pansinin kung ano ang layunin ng Diyos at kung paano niya lulutasin ang problemang ito. [Basahin ang Awit 72:16.] Ipinaliliwanag ng artikulong ito kung paano isasauli ng Diyos ang Paraiso sa lupa.” Ipakita ang artikulo sa pahina 7.
Ang Bantayan Okt. 1
“Sa panahon ngayon na walang kasiguruhan, marami ang nababahala sa kinabukasan. Ano ang nakatutulong sa iyo para hindi ka masyadong mag-alala? [Hayaang sumagot.] Pansinin ang pangakong ito ng Bibliya. [Basahin ang Isaias 65:17.] Binabanggit sa magasing ito ang mga dahilan para maging positibo ang ating pananaw sa hinaharap.”
Gumising! Okt.
“Maraming pakinabang ang Internet, pero may mga panganib din ito sa mga bata. Sa palagay mo, paano kaya natin sila mapoprotektahan mula sa mga panganib na ito? [Hayaang sumagot.] Pakisuyong pansinin ang puntong ito. [Basahin at ipaliwanag ang Kawikaan 18:1.] Isa ito sa anim na simulain sa Bibliya na itinatampok ng artikulong ito para matulungan ang mga magulang na maproteksiyunan ang kanilang mga anak.” Iharap ang artikulo sa pahina 8.