Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa 2004
1 Sinasangkapan ni Jehova ang ordinaryong mga tao upang maisakatuparan ang gawain na mahalaga sa buong daigdig. Ang isang paraan na isinasagawa niya ito ay sa pamamagitan ng pagsasanay na inilalaan bawat linggo sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Nakikibahagi ka ba rito nang lubusan hangga’t ipinahihintulot ng iyong mga kalagayan? Sa Enero, may gagawing ilang pagbabago upang matulungan ang mga estudyante na makinabang nang lubos sa mga kaayusan ng paaralan.
2 Paghahalinhinan Bilang Katulong na Tagapayo: Ang mga kapatid na nagbibigay ng mga pahayag na nakapagtuturo at mga tampok na bahagi sa Bibliya ay nagpapahalaga sa obserbasyon na ibinibigay ng katulong na tagapayo. Sa mga kongregasyon na may sapat na kuwalipikadong matatanda, maaaring maghalinhinan sa atas bilang katulong na tagapayo ang matatanda taun-taon. Sa ganitong paraan, ang pasanin ay maaaring pagtulung-tulungan; ngunit higit sa lahat, ang matatanda at kuwalipikadong mga ministeryal na lingkod ay makikinabang sa pinagsama-samang karanasan ng iba’t ibang may-kakayahang mga tagapagsalita at guro.
3 Pag-iiskedyul ng Oral na Repaso: Kung ang inyong kongregasyon ay may pansirkitong asamblea sa linggo ng oral na repaso, ang repaso (at ang iba pang bahagi na naka-iskedyul sa linggo ng repaso) ay dapat ipagpaliban sa kasunod na linggo at ang iskedyul sa kasunod na linggo ang dapat gamitin sa linggo ng asamblea. Gayunman, hindi na kailangang pagpalitin ang dalawang buong lingguhang iskedyul kapag ang oral na repaso ay nataon sa dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Sa halip, ang awit, pahayag sa kalidad sa pagsasalita, at mga tampok na bahagi sa Bibliya ay dapat iharap gaya ng nakaiskedyul. Ang pahayag na nakapagtuturo (na ibinibigay pagkatapos ng pahayag sa kalidad sa pagsasalita) ay dapat kunin sa iskedyul ng kasunod na linggo. Ang mga tampok na bahagi sa Bibliya ay susundan ng kalahating oras na Pulong sa Paglilingkod, na maaaring baguhin upang magkaroon ng alinman sa tatlong tig-10-minutong bahagi o dalawang tig-15-minutong bahagi. (Ang pambungad na mga patalastas ay dapat alisin.) Ang Pulong sa Paglilingkod ay susundan ng isang awit at kalahating-oras na programa ng tagapangasiwa ng sirkito. Ang Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa kasunod na linggo ay magsisimula sa pahayag sa kalidad sa pagsasalita at mga tampok na bahagi sa Bibliya gaya ng nakaiskedyul, at susundan ng oral na repaso.
4 Samantalahin ang bawat pagkakataon para sumulong sa espirituwal. Habang nakikinabang ka mula sa natututuhan mo sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, pinasisigla mo ang iyong kongregasyon, ginagampanan mo ang isang bahagi ng katuparan ng hula sa Bibliya, at binibigyan mo ng kapurihan ang Awtor ng kahanga-hangang mensahe na dapat nating ihayag.—Isa. 32:3, 4; Apoc. 9:19.