Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/03 p. 8
  • Tulungan Yaong mga “Wastong Nakaayon”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan Yaong mga “Wastong Nakaayon”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Pagdalaw-Muli ay Umaakay sa mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Tanggapin ang Pananagutan ng mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Paghahanda—Susi sa Mabisang Pagdalaw-Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 12/03 p. 8

Tulungan Yaong mga “Wastong Nakaayon”

1. Sino ang tinitipon ni Jehova sa kaniyang sarili sa ating panahon?

1 Bawat tao ay may saloobin na nakaugat sa kaniyang makasagisag na puso. (Mat. 12:35) Binabanggit ng Bibliya ang isa na ang “puso ay nakahilig na lumaban.” (Awit 55:21) Ang ilan naman ay “madaling magngalit.” (Kaw. 29:22) Ngunit naririyan din yaong mga “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan.” (Gawa 13:48) Sa ating panahon, tinitipon ni Jehova sa kaniyang sarili ang gayong mga wastong nakaayon. (Hag. 2:7) Paano natin sila matutulungan na maging mga mananamba ni Jehova?

2. Ano ang kasangkot sa pagtupad sa ating atas na gumawa ng mga alagad?

2 Maging Masikap sa Pagdalaw-Muli: Ang pagkakaroon ng tamang pangmalas sa mga pagdalaw-muli ay mahalaga upang maisakatuparan natin ang ating atas na gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:​19, 20) Masikap ba tayo sa paglinang ng interes na nasusumpungan natin? Dumadalaw ba tayong muli sa lahat ng tumatanggap ng literatura o nagpapahayag ng interes sa mabuting balita? Patuloy ba natin silang pinagsisikapang tulungan na sumulong sa espirituwal? Yamang buhay ang nasasangkot, dapat nating sikapin na linangin ang lahat ng interes na ating nasusumpungan.

3. Ano ang dapat nating gawin pagkatapos makausap ang isang tao sa ministeryo?

3 Habang sariwa pa sa isipan ang naging pakikipag-usap natin sa isang interesadong tao, huminto sandali para isulat ang kaniyang pangalan at adres. Isulat ang paksang pinag-usapan, anumang kasulatang binasa, at kung anong literatura ang naipasakamay. Pagkatapos nito, tiyaking bumalik agad sa lalong madaling panahon.

4. Paano tayo makagagawa ng mabisang mga pagdalaw-muli?

4 Pagdalaw-Muli: Sa iyong pagdalaw-muli, makatutulong ang pagiging magiliw at palakaibigan at ang pagpapakita ng taimtim na personal na interes sa may-bahay. Panatilihing simple at maka-Kasulatan ang pag-uusap. Maghanda ng isang kawili-wiling paksa sa Bibliya na mapag-uusapan, at sa pagtatapos ng pagdalaw, magbangon ng isang tanong na maaaring sagutin sa susunod na pagdalaw. Makabubuting iwasan ang pakikipagtalo sa di-makakasulatang pangmalas na maaaring sabihin ng may-bahay. Sikaping pag-usapan ang mga bagay na pinagkakasunduan ninyo.​—Col. 4:6.

5. Anong pagsisikap ang ginawa ng isang payunir, at ano ang naging bunga?

5 Ang pagdalaw-muli ay nangangailangan ng pagsisikap, ngunit kasiya-siya naman ang mga gantimpala. Isang payunir sa Hapon ang nagtakda ng tunguhin na gumawa ng mas maraming pagdalaw-muli bawat buwan. Nagsimula siyang mag-ingat ng isang rekord ng lahat ng nakakausap niya sa gawaing pagbabahay-bahay, at pagkatapos sa loob ng pitong araw, dinadalaw muli niya sila. Lubusan niyang inihahanda ang sasabihin niya at isinasagawa niya ang kaniyang paglilingkod taglay ang lubos na pagtitiwala sa mensaheng dala niya. Sa isa sa mga pagdalaw niya, nakapagpasimula siya ng pag-aaral sa isang tao na nagsabi: “Lagi ko kayong itinataboy. Ngayon lang ako nakinig sa inyo.” Ang maibiging pagtitiyaga ng payunir ay nagbunga. Sa katapusan ng buwan ay nag-ulat siya ng sampung pag-aaral sa Bibliya.

6. Bakit dapat tayong magmatiyaga sa mga pagdalaw-muli?

6 Ang kalagayan ng mga tao ay palaging nagbabago. (1 Cor. 7:31) Kadalasan ay kailangan ang ilang pagdalaw upang masumpungang muli ang isang interesadong tao sa kaniyang tahanan. Sa pamamagitan ng pagiging masikap sa mga pagdalaw-muli, matutulungan natin yaong mga wastong nakaayon na lumakad sa daan tungo sa buhay na walang hanggan.​—Mat. 7:​13, 14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share