Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 7/08 p. 4
  • Paghahanda—Susi sa Mabisang Pagdalaw-Muli

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paghahanda—Susi sa Mabisang Pagdalaw-Muli
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Pagdalaw-Muli ay Umaakay sa mga Pag-aaral sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa mga Pagdalaw-muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Tulungan Yaong mga “Wastong Nakaayon”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Tiyaking Dumalaw-Muli
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
km 7/08 p. 4

Paghahanda​—Susi sa Mabisang Pagdalaw-Muli

1. Paano palalaganapin ang sinaunang ministeryong Kristiyano?

1 Lubusang sinanay ni Jesus ang kaniyang mga alagad upang maging mabisang mga mangangaral ng “mabuting balita ng kaharian.” (Mat. 4:23; 9:35) Sinanay sila ni Jesus samantalang nangangaral sa Palestina. Gayunman, bago umakyat sa langit, ipinaalam ni Jesus na ang ministeryong Kristiyano ay lubhang palalaganapin upang “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa.”—Mat. 28:19, 20.

2. Ano ang nasasangkot sa pagsunod sa utos ni Jesus na “gumawa ng mga alagad”?

2 Kasama sa gawaing iyon ang pagdalaw-muli sa mga taong nagpakita ng interes sa mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at pagtuturo sa kanila na sundin ang lahat ng bagay na iniutos ni Kristo. Upang maging mabisa sa pagdalaw-muli, kailangan tayong maging handang-handa.

3. Kahit sa unang pagdalaw, paano mo mabubuksan ang pagkakataon para sa isang pagdalaw-muli?

3 Patiunang Magplano: Sinisikap ng ilang mamamahayag na magbangon ng isang tanong bago sila umalis sa kanilang unang pagdalaw at saka nangangakong babalik sila at pag-uusapan ang sagot. Nasumpungan nilang ang paggamit ng impormasyon sa aklat na Itinuturo ng Bibliya sa pagdalaw-muli ay nakatulong sa kanila na makapagpasimula agad ng isang pag-aaral sa Bibliya.

4. Bakit hindi natin dapat ipagpaliban ang pagdalaw-muli hanggang sa matanggap natin ang bagong mga isyu ng mga magasin?

4 Bagaman may isang set lamang tayo ng mga magasin sa bawat buwan, hindi ito nangangahulugan na maghihintay tayo hanggang sa matanggap natin ang mga isyu sa susunod na buwan bago tayo bumalik. Maaari nating linangin ang interes ng mga tao sa pamamagitan ng pagtalakay sa impormasyong itinampok sa magasin na mayroon sila.

5. Bakit kapaki-pakinabang na magkaroon ng tunguhin?

5 Magkaroon ng Tunguhin: Bago dumalaw-muli, repasuhin muna nang ilang minuto ang iyong mga rekord at tiyakin kung ano ang gusto mong maisagawa. Halimbawa, talakayin ang isang punto mula sa publikasyong naiwan mo. O mag-iwan ka ng karagdagang literatura na nauugnay sa napag-usapan ninyo noon. Kung nagbangon ka ng tanong noong huling dalaw mo, tiyak na tunguhin mong sagutin ang tanong na iyon. Kapag itinatampok ang isang teksto na nagpapatunay sa puntong tinatalakay, sikaping tuwirang bumasa mula sa Bibliya.

6. Ano ang ating tunguhin sa pagdalaw-muli?

6 Ang Ating Tunguhin: Mangyari pa, ang ating tunguhin ay makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya. Isang brother ang nag-alok ng isang pag-aaral sa Bibliya sa isang pagdalaw-muli, pero tumanggi ang lalaki. Bumalik ang kapatid na may dalang bagong mga magasin at nagsabi, “Naririto kami ngayon para sagutin ang isang tanong ng mga tao tungkol sa Bibliya.” Pagkatapos magkomento ng lalaki, binasa ng kapatid ang isang teksto at ang angkop na parapo mula sa publikasyong ginagamit para sa pag-aaral sa Bibliya. Humantong ito sa isang regular na pag-aaral sa Bibliya.

7. Paano nakatulong sa iyo ang paghahandang mabuti upang makapagpasimula ng isang pag-aaral sa Bibliya?

7 Talagang sulit na maglaan ng panahon upang maghanda para sa pagdalaw-muli. Madaragdagan ang ating kagalakan, at maaari tayong magkapribilehiyong tumulong sa isa na “wastong nakaayon” sa daan patungo sa buhay.—Gawa 13:48.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share