Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/04 p. 5
  • Repaso Para sa Pansirkitong Asamblea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Repaso Para sa Pansirkitong Asamblea
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Repaso Para sa Araw ng Pantanging Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Bagong Kaayusan sa Pagrerepaso ng mga Programa sa Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Bagong Programa ng Pansirkitong Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Ang Pagiging Payak ay Tumutulong sa Atin na “Tiyakin ang Higit na Mahahalagang mga Bagay”
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 12/04 p. 5

Repaso Para sa Pansirkitong Asamblea

Gagamitin ang materyal na ito upang patiunang pahapyawan at repasuhin ang programa ng pansirkitong asamblea sa 2005. Ipinaliliwanag ng artikulong “Bagong Kaayusan sa Pagrerepaso ng mga Programa sa Asamblea,” na nasa pahina 4 ng insert na ito, kung paano ito gagawin. Sa panahon ng repaso, hati-hatiin ang oras upang maisaalang-alang ang lahat ng tanong. Dapat idiin sa repaso kung paano maikakapit ang impormasyong iniharap.

PANG-UMAGANG SESYON SA UNANG ARAW

1. Ano ang tutulong sa atin na magkaroon ng makadiyos na karunungan?

2. Anong pagsisikap ang ginawa ng mga kaugnay sa sirkito upang ipaabot sa mas maraming tao ang mabuting balita?

PANGHAPONG SESYON SA UNANG ARAW

3. Bakit mahalaga para sa mga Kristiyano na panatilihing walang dungis ang kanilang panloob na pagkatao? Paano natin ito magagawa?

4. Paano natin maipakikitang mapagpayapa tayo sa ating mga kapatid?

5. Ano ang pagkamakatuwiran, at paano natin ito maipamamalas sa paraan ng paggamit natin sa ating panahon?

6. Ano ang matututuhan natin sa mga halimbawa nina Saul at Noe? Sa anu-anong paraan natin maipakikita na ‘handa tayong sumunod’? (Sant. 3:17)

7. Paano maiiwasan ng mga Kristiyano na magkaroon ng dobleng pamumuhay?

8. Paano natin matutularan ang halimbawa ni Pablo sa pagsasalita hinggil sa karunungan ng Diyos?

PANG-UMAGANG SESYON SA IKALAWANG ARAW

9. Bakit tayo dapat maging maingat sa pagpili ng mga gawaing itataguyod natin, at ano ang tutulong sa atin na magawa ito?

10. Anong pagsisikap ang ginagawa ng mga kaugnay sa sirkito upang makadalo nang regular sa mga pulong, at paano sila nakinabang sa paggawa nito?

11. Paano mapatitibay ng mga ulo ng pamilya ang kanilang sambahayan?

12. Anong mga pangangailangan ng sirkito ang itinawag-pansin sa atin?

PANGHAPONG SESYON SA IKALAWANG ARAW

13. Gaya ng binanggit sa pahayag pangmadla, anong matutuwid na gawa ang iniluluwal ng karunungan mula sa itaas?

14. Bakit isang kamangmangan na magtiwala sa ating sarili o sa mga hindi napapatnubayan ng bigay-Diyos na karunungan? Sa anu-anong larangan tayo kailangang maging mapagbantay?

15. Mula sa anong mga patibong tayo ipinagsasanggalang ng bigay-Diyos na karunungan?

16. Bakit mahalagang ikapit natin ang payo na ibinigay sa programa ng pansirkitong asamblea?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share