Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/04 p. 6
  • Repaso Para sa Araw ng Pantanging Asamblea

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Repaso Para sa Araw ng Pantanging Asamblea
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Kaparehong Materyal
  • Repaso Para sa Pansirkitong Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Bagong Kaayusan sa Pagrerepaso ng mga Programa sa Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Bagong Programa ng Araw ng Pantanging Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Repaso Para sa Araw ng Pantanging Asamblea
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2005
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
km 12/04 p. 6

Repaso Para sa Araw ng Pantanging Asamblea

Gagamitin ang materyal na ito upang patiunang pahapyawan at repasuhin ang programa sa araw ng pantanging asamblea sa 2005. Ipinaliliwanag ng artikulong “Bagong Kaayusan sa Pagrerepaso ng mga Programa sa Asamblea,” na nasa pahina 4 ng insert na ito, kung paano ito gagawin. Sa panahon ng repaso, hati-hatiin ang oras upang maisaalang-alang ang lahat ng tanong. Dapat idiin sa repaso kung paano natin maikakapit ang impormasyong iniharap.

PANG-UMAGANG SESYON

1. Bakit patindi nang patindi ang pangangailangang makinig kay Jehova? Ano ang ibig sabihin ng makinig? (“Kung Bakit Dapat Makinig sa Tinig ni Jehova”)

2. Paano mapananatili ng mga pamilya ang mahusay na programa ng espirituwal na mga gawain? (“Mga Pamilyang Nakikinig sa Salita ng Diyos Nang Walang Gambala”)

3. Paano sinasamantala ng mga kaugnay sa sirkito ang mga pagkakataong magpatotoo nang di-pormal? (“Paggawa ng Lahat ng Bagay sa Ikaluluwalhati ng Diyos”)

4. Anu-anong aral ang matututuhan natin mula sa babalang halimbawa na masusumpungan sa Hebreo kabanata 3 at 4? Paano nagsasalita si Jehova sa atin sa ngayon? (“Ang Pakikinig Kapag Nagsasalita ang Diyos ay Nagsasanggalang sa Atin”)

5. Paano ka nakinabang sa pahayag sa bautismo? (“Pag-aalay at Bautismo”)

PANGHAPONG SESYON

6. Ano ang mahihinuha natin hinggil kay Jesus noong nasa kabataan pa siya, at paano tinutularan ng mga kabataan sa sirkito ang kaniyang halimbawa? (“Kung Paano Pinatitibay ng Matamang Pakikinig sa Salita ng Diyos ang Ating mga Kabataan”)

7. Ano ang ilang paraan kung saan maaari nang sanayin ng mga magulang ang mga sanggol at maliliit na bata sa mga daan ni Jehova? (“Maliliit na Anak na Nakikinig sa Diyos at Natututo”)

8. Ano ang ilang partikular na larangan na doo’y kailangan tayong magbigay-pansin kay Jehova, sa kaniyang Anak, at sa “tapat at maingat na alipin”? (Mat. 24:45) Bakit mahalagang gawin natin ito? (“Laging Magbigay-Pansin sa Turo ng Diyos”)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share