Repaso Para sa Araw ng Pantanging Asamblea
Gagamitin ang materyal na ito sa programa ng Pulong sa Paglilingkod karaka-raka bago at pagkatapos daluhan ng kongregasyon ang araw ng pantanging asamblea para sa taóng 2006. Gagawa ng kaayusan ang punong tagapangasiwa para patiunang pahapyawan at repasuhin ang asamblea batay sa materyal na ito, gaya ng nakabalangkas sa Disyembre 2004 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, pahina 4. Sa panahon ng repaso, dapat ibangon ang lahat ng tanong, anupat nagtutuon ng pansin sa kung paano natin maikakapit ang impormasyong iniharap.
PANG-UMAGANG SESYON
1. Ano ang ibig sabihin ng panatilihing simple ang mata, at bakit ito isang hamon sa ngayon? (“Bakit Kailangang Panatilihing Simple ang Iyong Mata?”)
2. Paano tayo nakikinabang sa pagpapanatili ng isang simpleng mata? (“Kamtin ang mga Pagpapala sa Pagpapanatili ng Isang Simpleng Mata”)
3. Ano ang panganib sa tinatawag na normal na mga gawain? (“Pagpapanatili ng Isang Simpleng Mata sa Balakyot na Sanlibutan”)
PANGHAPONG SESYON
4. Paano mapasisigla ng mga magulang at ng iba pa ang mga kabataan na itaguyod ang espirituwal na mga tunguhin? (“Mga Magulang na Wastong Iniaasinta ang Kanilang mga Palaso” at “Mga Kabataang Umaabot sa Espirituwal na mga Tunguhin”)
5. Paano tayo makaaalinsabay sa organisasyon ni Jehova (a) bilang indibiduwal? (b) bilang pamilya? (c) bilang kongregasyon? (“Magtuon ng Pansin sa Pag-alinsabay sa Organisasyon ni Jehova”)